GMA Logo Chef Boy and Ermilinda Logro
What's Hot

Love story ni Chef Boy Logro, mapapanood ngayong Valentine's Day sa 'Wagas'

By Aaron Brennt Eusebio
Published February 13, 2021 9:50 AM PHT

Around GMA

Around GMA

The Via Crucis (Way of the Cross) procession during Good Friday celebrations in Rome
Suspect in killing of farmer in GenSan nabbed
Daig Kayo Ng Lola Ko: Download Mommy (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News

Chef Boy and Ermilinda Logro


Balikan kung paano sinubok ng panahon ang pagmamahalan nina Chef Boy at Ermilinda Logro ngayong Valentine's Day sa 'Wagas' pagkatapos ng 'All-Out Sundays.'

Hindi lang Idol sa Kusina ang minamahal ng world-class chef na si Boy Logro dahil mula noon hanggang ngayon ay isang babae ang kanyang iniibig: ang kanyang asawang si Ermilinda Logro.

Noong 2013, binigyang buhay nina Pekto at Isabel Oli sina Chef Boy at Ermilinda nang itinampok ang kanilang pag-iibigan sa drama romance anthology na Wagas.

Ginampanan ni Pekto ang world-class chef na si Boy Logro samantalang si Isabel Oli naman ang kanyang maybahay na si Ermilinda.
Noong bata pa si Chef Boy, na-trauma siya sa pagiging womanizer ng kanyang ama kaya ipinangako niya na magiging loyal at faithful siya kapag nakita na niya ang babaeng mamahalin niya.

Dahil sa kahirapan, pumunta si Chef Boy sa Maynila mula Samar upang magtrabaho bilang tagahugas ng pinggan, bago siya mag-promote bilang cook. Dito, nakilala niya ang kanyang first love na si Mely.

Hindi pa rin sapat ang kinikita ni Chef Boy sa Maynila kaya kinailangan niyang pumunta sa ibang bansa, kung saan nakilala siya bilang magaling na chef.

Kahit na sikat na siya at sapat na ang kanyang kinikitang pera, tinupad niya pa rin ang kanyang pangako na maging mabuting asawa kay Mely at sa kanilang mga anak.

Paano kaya nila nalampasan ang mga pagsubok sa kanilang pagmamahalan?

Balikan ang pag-iibigan nina Chef Boy at Ermilinda Logro sa Wagas ngayong Valentine's Day pagkatapos ng All-Out Sundays.