What's Hot

Love story nina Mike at Baby Enriquez, muling mapapanood ngayong February 7

By Aaron Brennt Eusebio
Published February 5, 2021 2:58 PM PHT
Updated February 5, 2021 5:08 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Timely Stephen Curry scoring helps Warriors defeat Mavericks
Christmas not the same for all, calamity survivors show

Article Inside Page


Showbiz News

Jennylyn Mercado and Ramon Bautista in Wagas


Balikan ang pag-iibigan nina Mike at Baby Enriquez sa 'Wagas' ngayong Linggo, February 7, pagkatapos ng 'All-Out Sundays.'

Alam n'yo na ba na mayroong makulay na istorya sa likod ng pag-iibigan ng respetadong mamamahayag na si Mike Enriquez at ng kanyang asawang si Baby?

Nagsisimula pa lamang noon sa pagiging DJ si Mike na kilala pa bilang “Big Mike” nang makilala niya ang avid listener niyang si Lizabeth “Baby” Yumping.

Simula noon, naging malapit ang loob nina Mike at Baby sa isa't isa dahil sa madalas nilang pag-uusap. Lagi kasing nagre-request si Baby ng mga kanta sa radio program ni Mike.

Kinalaunan, naging magkarelasyon sina Mike at Baby pero may isang tao humadlang dito: ang ina ni Baby.

Dahil hindi boto ang nanay ni Baby kay Mike, pinakausap niya si Mike sa lola ni Baby upang tumigil na ang binata sa pakikipagrelasyon sa apo nito.

Subalit, imbis na panghinaan ng loob, lalo pang ipinaglaban ni Mike ang kanilang relasyon dahil nakasundo niya ang lola ni Baby.

Ngayong mahigit 40 years na silang kasal, ano kaya ang naging sikreto nila sa mahabang pagmamahal na sinubok ng panahon at mga problema?

Balikan ang pag-iibigan nina Mike at Baby Enriquez, na binigyang buhay nina Ramon Bautista at Jennylyn Mercado sa Wagas, ngayong February 8, pagkatapos ng All-Out Sundays.

Ramon Bautista and Jennylyn Mercado in Wagas

Ginampanan nina Ramon Bautista at Jennylyn Mercado ang mag-asawang Mike at Baby Enriquez nang itinampok ang kanilang pag-iibigan sa 'Wagas' noong 2013. / Wagas (FB)