
Huwag ismolin!
Ganyan ang mantra ng love team nina Buboy Villar at Lexi Gonzales sa naganap na Wedding Race sa Yongin Agricultural Theme Park na napanood last Sunday night, September 18, sa Running Man Philippines.
Nasubukan ang liksi at lakas ng ating Celebrity Runners kasama ang special guests nila na sina Rhian Ramos, Michelle Dee, at Rafael Rosell.
Matapos silang maipareha, humarap sila sa kakaiba at physically-draining na game kung saan kailangan makabuo sila ng bouquet of flowers.
Sa umpisa, tila dehado sina Buboy at Lexi, pero ipinakita ng dalawa ang galing at husay nila sa diskarte.
May mahigit 1.2 million views na sa Running Man Philippines Facebook page ang highlights ng performance ng binansagang BuLe at umani rin sila ng papuri mula sa netizens at viewers na tuwang tuwa sa chemistry nila sa Wedding Race.
Huwag papahuli sa adrenaline-pumping episodes ng Running Man Philippines tuwing Sabado, 7:15 pm at Linggo, 7:50 pm.
MEET OUR CELEBRITY RUNNERS HERE: