GMA Logo Are We Alright
What's on TV

Love with age gap, tunghayan sa 'Are We Alright?' simula February 13 sa GTV

By Bianca Geli
Published February 9, 2023 4:55 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dog rescued from rubble of collapsed building in Pampanga
Minor injured in reported street attack in Iloilo
This immersive storytelling museum is inspired by a Korean tale

Article Inside Page


Showbiz News

Are We Alright


Matapos iwanan ng kanyang asawa, panibagong pag-ibig ang mahahanap ni Tara. Paano na lang kung 20 years ang kanilang age gap? Abangan ang istoryang ito sa upcoming GTV program na 'Are We Alright?'.

Sa unang tingin, parang na kay Tara (Anne Thongprasom) na ang lahat -- beauty, brains, successful career, at isang happy marriage sa asawa niyang si Chadwick (Dom Haetrakul).

Magkatuwang sa buhay ang mag-asawa na magkatrabaho sa isang kompanya. Mas nakaaangat si Tara sa asawa at pagmumulan ito ng inggit at poot ni Chadwick. Nang humingi ng divorce si Chadwick kay Tara, guguho ang mundo nito at mawawala ang pagiging strong woman niya. (baka we can omit this, pwedeng maguguluhan na lang siya kung ano nga ba ang priority niya sa buhay? since strong pa rin naman ang character niya after)

Sa gitna ng isang pagtatalo nina Tara at Chadwick, malalagay sa peligro ang buhay (embarassing moment siya since nakahubad si Tara underneath her coat and na-stuck yung coat niya sa car door) ni Tara ngunit may darating para tulungan siya -- ang college student na si Al (James Jirayu Tangsrisuk).

Ang chance meeting nina Tara at Al ay mauuwi sa ilang pagkikita at mabubuo ang pagkakaibigan ng dalawa kahit na mayroon silang 20-year age gap.

Magbabago ang ihip ng kanilang friendship nang maging magkarelasyon na sina Tara at Al. Masaya man ang dalawa, mapupuno ang relasyon nila ng panghuhusga mula sa kanilang mga pamilya at kaibigan.

Mapipilitan si Tara na magpakatatag at mas pagtutuunan niya ng pansin ang kanyang pamilya at career kahit na nagmamahalan sila ni Al. Maayos pa kaya ang kanilang May-December love affair?

Tunghayan sa Are We Alright?, isang Thai drama offering na aantig sa inyong mga puso ngayong Buwan ng Pag-ibig.

Simula February 13 na, tuwing Monday and Thursday at 2:45 p.m. and Tuesday, Wednesday, and Friday at 5:00 p.m. replacing Hogu's Love on GTV.