
Papalapit na ng papalapit ang pagpapalabas ng Love You So Bad sa mga sinehan nationwide.
Related gallery: Will Ashley, Bianca De Vera, and Dustin Yu hold their first Paiko-ikot Tour for 'Love You So Bad'
Kaugnay nito, inilabas na ang official poster ng pelikula sa social media na talaga namang nakadagdag sa excitement ng netizens at fans.
Ang upcoming film ay pagbibidahan nina Will Ashley, Dustin Yu, at Bianca De Vera.
Makikilala sila rito bilang sina Vic (Will Ashley), LA (Dustin Yu), at Savannah (Bianca De Vera).
Ang love triangle na ito ay nagmula sa naging samahan nina Will, Dustin, at Bianca sa loob ng Bahay Ni Kuya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
Nabuo ang pelikula sa direksyon ni Direk Mae Cruz Alviar.
Huwag palampasin ang love story ng Team SaVic at LaVan sa Love You So Bad.