
Ramdam na ramdam na sa social media ang excitement ng fans nina Will Ashley, Bianca De Vera, at Dustin Yu sa first-ever movie na pagsasamahan ng kanilang mga iniidolo.
Related gallery: WillCa, DustBia's upcoming movie, excites fans; trends online
Tampok sa upcoming film na Love You So Bad ang tambalan nina Will at Bianca, at Dustin at Bianca na kilalang-kilala ngayon bilang WillCa/WillBi at DustBia/DusBi.
Usap-usapan na ito sa comments section ng ilang posts tungkol sa kanilang movie.
Karamihan sa fans ng dalawang love team ay ipinahayag na hinding-hindi nila ito palalagpasin.
Narito ang ilang reaksyon ng fans sa kaabang-abang na pelikula.
Matatandaang kasunod ng big announcement ng Love You So Bad, mabilis na nag-viral sa X ang WillCatch the Big Screen at Love Wins with DustBia.
Sina Will, Bianca, at Dustin ay pare-parehong naging celebrity housemates sa Bahay Ni Kuya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
Nakasama nila sa loob ng Big Brother's House sina Mika Salamanca, Brent Manalo, Ralph De Leon, Charlie Fleming, Esnyr, AZ Martinez, River Joseph, Shuvee Etrata, Klarisse De Guzman, Vince Maristela, Xyriel Manabat, Josh Ford, Kira Balinger, Michael Sager, Emilio Daez, Ashley Ortega, at AC Bonifacio.
Ang recently concluded reality competition na Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition ang isa sa collaboration projects ng GMA at ABS-CBN.
Samantala, abangan ang iba pang detalye tungkol sa upcoming film nina Will, Bianca, at Dustin na Love You So Bad dito sa GMANetwork.com