
Ang trio nina Will Ashley, Bianca de Vera, at Dustin Yu ang isa sa mga pinakainabangan sa idinaos na Metro Manila Film Festival 2025 Parade of Stars. At kahit inulan, sinigurado pa rin ng fans na makita sila kaya naman ganon na lamang ang pasasalamat ng tatlong bida ng pelikulang Love You So Bad.
Ayon kay Will Ashley, memorable para sa co-housemates niya ang experience na ito na mapabilang sa Parade of Stars. 'Aniya, “Yung pagmamahal talaga pinapakita talaga nila sa amin, 'yung suporta. Kaya yung first time namin masasabi ko na napakasaya at memorable.”
Sinegundahan naman ni Bianca ang sinabi ng Sparkle actor. “Ramdam na ramdam talaga namin 'yung Christmas spirit at 'yung pagmamahal ng mga Pilipino.”
Samantala, inilarawan naman ni Dustin na 'grabe' ang pagmamahal na natanggap ng buong cast ng Love You So Bad. “Grabe talaga ang pagmamahal ng mga Pilipino tuwing Pasko. As in grabe 'yung suporta nila, grabe sila.”
Ang Love You So Bad ay sa ilalim ng direksyon ni Mae Cruz-Alviar.
RELATED CONTENT: Will Ashley, Bianca de Vera, Dustin Yu, mas tumibay ang pagkakaibigan sa labas ng Bahay ni Kuya