
Sabik na sabik na ang mga Kapuso at Global Pinoys sa Dubai na makita ang mga Love You So Bad stars na sina Will Ashley, Bianca de Vera at Dustin Yu.
Base sa post ng Sparkle GMA Artist Center ang tatlo ay busy sa mga pupuntahang events tulad na lang ng Konsyerto Para sa Filipino na idinaos sa Dubai Exhibition Centre, Expo City para mapasaya ang ating mga kababayan.
Sa panayam sa tatlo ng 24 Oras bago lumipad, sinabi ni Bianca de Vera na excited na siya maka-bonding ang mga Pinoy sa Dubai.
“Matagal na po namin hinihintay na ma-meet 'yung aming fellow Filipinos, who have been away from their families as well. So, we've been waiting for this moment for a very-very long time,” sabi ng Kapamilya talent.
Natutuwa naman si Will Ashley na madadala nila ang saya at kilig ng Love You So Bad sa mga Pinoy sa United Arab Emirates.
“Well hindi lang naman po para sa Pilipinas ang saya ng aming pelikula and were very grateful na madadala namin siya sa Dubai and of course we are very excited to see ng mga kababayan po natin na nasa Dubai.”
Para naman kay Dustin Yu, perfect timing ito na makita nila ang mga supporter nila na kahit noong nasa Pinoy Big Brother ay todo na ang suporta sa kanilang tatlo.
Sabi ni Dustin sa 24 Oras Weekend, “Well [were] super excited to meet all of you, madami kami nakikita na talagang mga Pilipino na sumusuporta sa amin during PBB days pa lang and super grateful kami na magkakaroon kami ng chance to meet them.”
RELATED CONTENT: Will Ashley and Dustin Yu's thriving career after PBB