GMA Logo love you so bad
Courtesy: starcinema (IG)
What's Hot

'Love You So Bad' theories, nabuo ng fans at viewers mula sa teaser ng pelikula

By EJ Chua
Published November 14, 2025 10:58 AM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Zach LaVine has season-high 42 as Kings control Heat
'Wilma' weakens into LPA near Cataingan, Masbate
XG's Cocona undergoes top surgery, comes out as AFAB transmasculine non-binary

Article Inside Page


Showbiz News

love you so bad


Alamin dito ang ilan sa fan theories tungkol sa movie nina Will Ashley, Bianca De Vera, at Dustin Yu na 'Love You So Bad.'

Nakaabang na ang napakaraming fans at viewers sa upcoming movie nina Will Ashley, Bianca De Vera, at Dustin Yu na pinamagatang, Love You So Bad.

Kasunod ng inilabas na teaser ng pelikula, bumuhos ang kanya-kanyang teorya tungkol sa istorya nito at pati na rin sa roles dito nina Will, Bianca, at Dustin.

Sinubukan ng ilang fans na hulaan ang twists sa movie at kung ano ang koneksyon ng roles ng Sparkle actors sa karakter ng Star Magic actress.

Narito ang ilan sa teorya ng mga nag-aabang sa Love You So Bad:

Related gallery: WillCa, DustBia's upcoming movie, excites fans; trends online

Bukod pa sa mga teorya, kanya-kanya rin sa pagcheer ang WillCa/WillBi (Will Ashley and Bianca De Vera) at DustBia/DusBi (Dustin Yu and Bianca De Vera) fans sa kanilang paboritong love team.

Talaga namang ramdam na ramdam online ang excitement ng supporters nina Will Ashley, Bianca De Vera, at Dustin Yu para sa naturang pelikula.

Ang Love You So Bad ang first-ever movie na kanilang pagbibidahan at pagsasamahan at kasama nila rito ang Filipino film at TV director na si Mae Cruz-Alviar.

Sina Will, Bianca, at Dustin ay pare-parehong naging celebrity housemates sa Bahay Ni Kuya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.

Samantala, abangan ang iba pang detalye tungkol sa Love You So Bad, ang collaboration project ng GMA Pictures, ABS-CBN Studios, Regal Entertainment, Inc. at Star Cinema.