
Sa unang linggo ng mystery-romance series ng GMA Public Affairs na Love You Stranger, nagkakilala na ang production designer na si LJ (Gabbi Garcia) at ang batang direktor na si Ben (Khalil Ramos).
Hindi naging maganda ang unang pagkikita ng dalawa dahil nakita ni LJ na may kayakap na babae si Ben sa harap ng comfort room.
Kinalaunan, nagkagaanan din ang loob ng dalawa nang maging magkatrabaho sila sa pelikulang Lilom. Hindi ito nagtagal dahil may kumalat na tsismis tungkol kay Ben na sa tingin niya ay si LJ ang nagpakalat.
Nang mapagtanto ni Ben na walang kasalanan si LJ sa kumalat na tsismis tungkol sa kaniya, agad niyang sinuyo ito sa tulong ng best friend ni LJ na si Bunny (Angellie Sanoy).
Dahil wala ng problema sina Ben at LJ sa isa't isa, tumungo na sila sa Sta. Castela kung saan nila isu-shoot ang pelikulang Lilom.
Ano kaya ang matutuklasan nina LJ at Ben sa pagbabalik nila sa Sta. Castela?
Patuloy na panoorin ang Love You Stranger, Lunes hanggang Huwebes, 9:35 p.m. sa GMA Telebabad pagkatapos ng Bolera.
Samantala, mas kilalanin pa ang mga karakter ng Love You Stranger dito: