
Nag-walkout si Benj Manalo sa kanyang fiancée na si Lovely Abella nang dahil sa haircut.
Ibinahagi ni Lovely ang kanilang nakakatawang video kung saan sinubukan niyang putulan ng buhok si Benj.
Magkasundo pa noong una ang dalawa bago lagyan ng piring ni Lovely ang mga mata ni Benj.
Panimula ng aktres, “Magtiwala ka lang sa akin, dad ha.”
Hindi naman agad nagreklamo si Benj hanggang sa narinig niya ang tunog ng razor.
“Ano 'yan, mamaya kalbuhin mo ako? May continuity pa 'tong buhok ko eh. 'Di naman nakakatawa 'yan eh,” pagpuna niya.
Nais daw sana gayahin ni Lovely ang celebrities na naging hairstylist ng kanilang partners ngayon dahil sa enhanced community quarantine. Pero bago pa man natapos ang kanyang paliwanag ay nag-walkout na si Benj.
Hirit pa ng Bubble Gang star, “Nagbibiro lang naman eh. Bakit galit ka?”
Ilan sa celebrities na nagtagumpay na bigyan ng haircut ang kanilang partners ay sina Marian Rivera, Aiai Delas Alas at Solenn Heussaff.
Celebrities turn instant hairstylists for their families