GMA Logo business of Lovely
Source: lovelyabella_ (IG)
Celebrity Life

Lovely Abella, emosyonal na inalala ang pinagdaanan nila para maitayo ang kanilang negosyo

By Aedrianne Acar
Published February 2, 2022 5:42 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Pascal Siakam's 36-10 double-double powers Pacers past Bulls
Lea Salonga, Rachelle Ann Go part of 'Les Misérables' in Manila
#WilmaPH remains almost stationary over waters of E. Samar

Article Inside Page


Showbiz News

business of Lovely


Lovely Abella on their booming businesses: “Humble beginnings nagsimula sa 1, naging 2, naging 3 hanggang sa dumami na.”

Inspirasyon na maituturing para sa mga taong magtatayo ng negosyo ang Bubble Gang comedienne na si Lovely Abella.

Bago nakilala si Lovely bilang isa sa top comedienne ng Kapuso Network, nauna siyang napanood bilang dancer sa show ng seasoned TV host at comedian na si Willie Revillame.

Ngayon, nakapagtayo na ang Kapuso actress ng mga negosyo tulad na lang ng kanyang sariling cosmetic at coffee brand.

Idagdag mo pa na kumikita rin siya sa pagla-live selling ng mga alahas at luxury bags via Facebook.

Sa Instagram post ng comedienne-dancer noong January 31, inalala nito ang hirap at pagod nila ng kanyang asawa na si Benj Manalo para itaguyod ang kanilang businesses.

Saad ni Lovely, “Humble beginnings nagsimula sa 1, naging 2, naging 3 hanggang sa dumami na. Ginamit namin ang unang napundar namin ng asawa ko @benj na bahay ginawang stockroom at office, pero sadyang napakabuti mo LORD.”

Dagdag niya, “'Di na naman kami kasya knowing na SOLD OUT ang mga stocks namin kailangan na ng mas MALAKI na warehouse para mas madami ang mabibigyan namin ng WORK.

“I know kung ano ang purpose namin sa mundo and don't worry Lord pangako magiging Daan mo kami. Congrats team seven long table.. Laban.”

A post shared by Lovely Abella - Manalo (@lovelyabella_)

Idinaos noong January 2021 ang garden-themed wedding ni Lovely at anak ni Jose Manalo na si Benj sa Lemuria Gourmet Restaurant sa Quezon City.

Ma-inspire pa sa ibang celebrity actresses na business owners din sa gallery below.