
Nakakataba ng puso ang mensahe ng celebrity entrepreneur na si Lovely Abella para sa mga kaibigang sina Chariz Solomon at Valeen Montenegro.
Dating kasama ni Chariz sina Lovely at Val sa longest-running gag show na Bubble Gang at mas kilala ang kanilang trio sa tawag na “ValeenChaGa.”
RELATED CONTENT: CERTIFIED FITNESS GOALS ANG VALEENCHAGA
Sa Instagram post ni Lovely nitong Araw ng mga Puso, ipinasilip niya ang bonding moments nilang magkakaibigan.
At sa caption, nagbigay siya ng mensahe para sa kanila. Sabi pa ng comedienne na looking forward siya sa mga susunod na taon kasama ang mga kaibigan.
Aniya, “Ang pagmamahal ko sa inyo ay umaapaw, salamat sa friendship na meron tayo, ang dami nating pinagdaanan at nanaig ang pagmamahal sa bawat isa.”
“Ang daming nagbabago sa buhay natin pero nananatili matatag. Nakakaexcite ang mga susunod na kabanata sa buhay natin.”
Matatandaang noong Enero, present din sina Chariz at Lovely sa kasal ni Valeen sa kanyang long-time partner na si Riel Manuel.
Idinaos ang intimate wedding ng Manuel couple sa Santuario de San Antonio Parish sa Makati City.
Ikinasal ang dalawa mahigit isang taon magmula noong inanunsyo nila ang kanilang engagement noong November 2022.