GMA Logo Crisha  Kaye graduation
Source: lovelyabella_ (IG)
Celebrity Life

Lovely Abella, nagulat sa dami ng awards ng anak na si Crisha Kaye

By Aedrianne Acar
Published July 30, 2026 12:45 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - PCO press briefing (July 30, 2026) | GMA News
Katrina Llegado and Felipe Marasigan are sporty stunners in sportswear looks
Daig Kayo Ng Lola: Angel at Migs, huling mga tao sa mundo? | Teaser Ep

Article Inside Page


Showbiz News

Crisha  Kaye graduation


Former Bubble Gang star Lovely Abella, sobrang proud sa academic achievements ng panganay nilang anak ni Benj Manalo.

Mapapa-"sana all" ang maraming magulang sa naabot na academic achievements ng panganay na anak ng celebrity entrepreneur na si Lovely Abella.

Tuwang-tuwa ang dating Bubble Gang comedienne matapos magtapos ang anak niyang si Crisha Kaye Coja bilang with High Honors sa Benilde Senior High School.

Hindi lamang iyon, dahil nakatanggap din si Crisha ng iba't ibang parangal, kabilang ang Service Award, Leadership Award, Outstanding Academic Performance Award, at Best in Social Sciences.

Sa Instagram, ibinahagi ni Lovely ang kaniyang saya at sinabi niyang mas lalo siyang natuwa dahil bukod sa mahusay sa pag-aaral, lumaki rin ang anak niya na may mabuting pagkatao.

"Ang daming surprises ni LORD sa anak ko at sa amin. Ang alam namin, High Honors siya, pero grabe, nagulat kami at pabalik-balik kami sa stage para sa mga awards niya."

Dagdag pa ng misis ni Benj Manalo: "Anak @crishakaye_, kitang-kita namin lahat ng pagod, iyak, saya, puyat, at pagmamahal na inilaan mo sa pag-aaral mo at sa pagiging presidente mo sa Senior High. Dumating ang oras na kahit kami, nasasaktan na tuwing nakikita namin ang mga frustrations mo. Pero by God's grace, sinamahan ka Niya sa journey mo. Thank you for obeying God na tanggapin ang katungkulan mo sa school, hindi para sa pangalan kundi gampanan ito nang buong puso."

Ipinunto rin ni Lovely na higit pa sa medals at awards ang tunay na sukatan ng tagumpay.

"Hindi medals, awards, o karangalan ang tunay na basehan ng success. Mas mahalaga ang character—kung paano tayo namumuhay, kung paano natin minamahal ang iba, at kung nananatili tayong tapat sa Diyos kahit walang nakakakita."

Dagdag pa niya: "Salamat, LORD, sa paghubog Mo sa anak ko. Anuman ang mga naranasan niya, lahat ng iyon ay babaunin niya at magsisilbing aral sa kaniya. Congratulations, and super proud kami sa'yo."

Si Crisha ay anak ni Lovely sa dati niyang partner. Samantala, mayroon naman silang anak ni Benj Manalo na si Liam Emmanuel, na isinilang noong 2023.

RELATED CONTENT: The sweetest photos of Lovely Abella and Benj Manalo