GMA Logo lovely abella
What's on TV

Lovely Abella, nasaktan nang magkaroon ng bagong ka trio sina Chariz Solomon, Valeen Montenegro

By Kristian Eric Javier
Published October 16, 2025 10:48 AM PHT
Updated October 16, 2025 1:09 PM PHT

Around GMA

Around GMA

SC reverses Comelec’s ruling canceling candidate’s COC
SALA releases new single 'Tahanan'
2 ash emission events on Mt. Kanlaon span 3 hours

Article Inside Page


Showbiz News

lovely abella


Nanatiling buo ang ValeenChaGa trio kahit hindi na sila magkakasama sa 'Bubble Gang.'

Ngayong mag-30 years na ang longest-running comedy gag show na Bubble Gang, hindi maiiwasan na balikan ang mga cast na dumating at umalis mula sa programa. Ilan na dito ay sina Valeen Montenegro at Lovely Abella. Naging malapit na magkaibigan sila, kasama ang ang mainstay na si Chariz Solomon, at tinawag ang kanilang trio na ValeenChaGa.

Sa pagbisita ng ValeenChaGa sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, October 15, inihayag ni Lovely ang kaniyang tampo sa mga kaibigan, na ngayon lang niya ikukuwento kina Valeen at Chariz.

Matatandaan nawala si Lovely mula sa Bubble Gang noong 2022, habang isa naman sa mga pumasok bilang bagong cast member ay ang dancer-host na si Dasuri Choi.

“Hindi ko naman ginusto, Tito, na tanggalin ako, 'di ba? Ito na, Tito, may pumasok si Dasuri, Koreana, nagkaroon ng ValChaRi. 'Yung ValeenChaGa, nawala. Sabi ko, 'Ba't ganu'n? Nawala 'yung hashtag.' Dati hashtag ValeenChaGa, ngayon hashtag ValChaRi,” sabi ni Lovely.

Patuloy niya, "Noong time na 'yon, sabi ko, talagang hindi ako magsasabi sa dalawa. Talagang I prayed kasi, siyempre, minsan 'pag galit ka o nagtatampo ka baka kung anu-ano na ang masasabi mo.

"Hinayaan ko talaga na dumating 'yung moment. Heto na, si Cha nagkuwento, nagseselos pala siya kay Val at kay Dasuri. Nag-open up sa akin!"

Ito raw ang nakita ni Lovely na magandang pagkakataon para isiwalat din ang kanyang saloobin.

“Sabi ko, 'I think this is the right moment.' Ito na, masasabi ko na 'yung matagal nang nasa loob ko, 'Kayo nga, Ga, 'di ba? May ValChaRi?'” pagpapatuloy ni Lovely.

Pag-amin ni Chariz, na “back to you” siya noong mga panahon na 'yun, at tinawagan pa si Valeen para sabihin na hindi na nila naisip ang pag-alis ng kaibigan.

“Hello Val, si Ga pala, shocks, hindi natin naisip 'yun, no?” pag-alala ni Chariz sa sinabi niya kay Valeen.

KILALANIN ANG ILAN SA MGA AKTRES AT COMEDIENNE NA GRUMADUATE NA MULA SA 'BUBBLE GANG' SA GALLERY NA ITO:

Ngunit pag-amin ni Chariz, kung sina Lovely at Valeen ay nalungkot sa pag-alis nila sa Bubble Gang ay nasaktan din naman siya dito.

“Sabi ko, parang they were sad because they were leaving the show? Pero hindi n'yo ba naiisip na kung kayo 'yung natirang nag-iisa?' So in that way, na-feel ko, when I was doing my make-up kanina, sabi ko, 'Paano kung ganito 'yung nafi-feel kong hurt, paano pa kaya si Kuya Bitoy na simula pa lang?” pagbabahagi ni Chariz.

Ayon pa kay Chariz, siguradong mas nasaktan si Michael V. sa paglisan ng ilang mga kasamahan nila sa Bubble Gang dahil may iba-ibang plano na sila sa buhay.

“Parang 'yung feeling na ako ba talaga 'yung nawala? Parang ganu'n, parang ganu'n 'yung feeling. Siyempre, I miss them a lot,” sabi ni Chariz.

Aminado naman si King of Talk Boy Abunda na isa itong perspektibo na hindi madalas napupuntahan dahil ang mas nakikita ay 'yung mga nawawala mula sa show.

Panoorin ang kabuuan ng panayam sa Fast Talk With Boy Abunda video sa itaas:

Related gallery: Chariz Solomon, Valeen Montenegro, Lovely Abella prove their closeness as 'Bubble Gang' girls