
Tampok ngayong Sabado sa "Nasagasaan ng Tren" episode ng Wish Ko Lang ang misteryong nakakabit tungkol sa mga nasasagasaan ng tren sa lugar ng mag-asawang Sigfredo (Marlon Mance) at Theresa (Lovely Rivero).
Kalat sa lugar nina Sigfredo at Theresa ang kuwento tungkol sa matandang katipunero na nangunguha raw ng buhay at kung sinumang makakita sa nilalang na ito ay tiyak daw na masasagasaan ng tren.
Kaya naman paulit-ulit ang paalala ni Theresa sa anak na si Alfred (Marco Masa) na palaging mag-ingat sa riles. Pero ang hindi alam ng mag-asawa ay nakita na raw ni Alfred ang nilalang na ito.
Makakasama rin nina Lovely at Marlon sa episode na ito sina Aidan Veneracion, Angelica Jones, Marnie Lapus, Levince Sotto, at Reaper.
Huwag palampasin ang "Nasagasaan ng Tren" episode ng Wish Ko Lang ngayong Sabado, October 22, alas-4 ng hapon sa GMA.
Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.
KILALANIN ANG SOCIAL MEDIA STARS NA NAPANOOD NA SA 'WISH KO LANG' DITO: