
Ipinagdiriwang ng aktres na si Lovely Rivero ang kanyang ika-51 kaarawan ngayong araw, May 15.
Ngunit imbis na magkaroon ng munting handaan kasama ang kanyang pamilya, napagdesisyunan ng aktres na ilaan ang oras para mamahagi ng ilang relief goods sa mga nangangailangan.
Sa kanyang Instagram, ibinahagi ni Lovely na namahagi siya ng packed meals para sa frontliners ng Pasig City General Hospital at sa Bacoor Cavite.
Aniya, “Nakakapagod pero ang saya ng araw na ito.
“100 packed meals prepared and delivered to our #FrontlinersPh at Pasig City General Hospital. Pagkatapos nito, nag-repack po kami at nag-deliver ng mga food or care packages sa Bacoor, Cavite para i-distribute ni Ms. Zhanelle para sa ilang mga musikero at band members doon.
“Tapos inihanda na rin namin ang mga kakailanganin sa susunod na ipagluluto namin para sa ating mga health workers para sa Monday dahi lito ay para naman sa 150 katao.
“Nakaka-challenge na tatlo lang kami pero nakakayanan gawin.”
Sambit pa niya, nahanap niya ang sense of purpose sa pagtulong lalo na at may nangyayaring pandemya na nakaapekto sa bansa.
“It gives me a sense of purpose na kahit na nasa gitna tayo ng pandemic ay may pwede pa lang gawin na 'di lamang para sa sarili ko. At ito ay nagagawa namin sa tulong ng mga nagmamalasakit na donors at sponsors.
“Kaya kahit pagod, masarap ang pakiramdam.
“Salamat sa lahat ng tumutulong, nagmamalasakit, at nagtitiwala. Higit sa lahat, salamat sa Diyos sa bigay n'yang maayos na kalusugan (sa akin at sa mgamahal ko sa buhay) para magawa ko ang mga ito.
“This, I believe, is the biggest blessing amid this pandemic and this is what makes my 51st birthday truly memorable,” pagtapos niya.
Sa comments section, binati ng ilang fans pati ni Sandy Andolong si Lovely ngayong kaarawan niya.
Dianne Medina, Rodjun Cruz join BAYANIHAN Ph's COVID-19 relief aid