
Lumipad patungong Paris, France ang magkasintahan at kapwa Kapuso stars na sina Pancho Magno at Max Collins para sa isang romantic vacation.
Kinalumutan muna ng dalawa ang kanilang mga diet at nagpakabusog sa iba't-ibang culinary delights ng France tulad ng mga keso, wine at pastries.
"First baguette and baby coffees at a boulangerie in Paris," sulat ni Max sa caption ng kanyang Instagram account.
"Goodbye diet, hello cellulite," biro pa ni Max.
Bukod sa Paris, bumisita rin sila sa Versailles.
Kasalukuyang gumaganap si Pancho bilang Hitano sa GMA Telebabad series na Encantadia, habang katatapos pa lang ni Max ng kanyang primetime soap na Someone To Watch Over Me.
MORE ON CELEBRITY VACATIONS:
#CHtravels: Heart Evangelista and husband Senator Chiz Escudero explores Florence
LOOK: Maine Mendoza shows fashionista side in U.S. trip