GMA Logo Lovers and Liars
What's on TV

'Lovers & Liars' finale week, ang mga dapat abangan

Published January 9, 2024 10:04 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal No. 1 up over 27 areas as Wilma threatens to make landfall over Eastern Visayas
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Lovers and Liars


Huwag palampasin ang mga pasabog sa huling linggo ng 'Lovers & Liars' sa GMA Prime.

Marami pang mga maiinit at nakagugulat na mga eksena ang hindi dapat na palampasin sa finale week ng triple plot drama series na Lovers & Liars.

Palaisipan pa rin ngayon ang pagkamatay ni Ramon Laurente, ang pumanaw na asawa ni Via (Claudine Barretto) at may-ari ng Pacifica (real estate company).

Ano kaya ang katotohanan sa likod ng pagkamatay ni Ramon at magawa pa kaya ni Via na linisin ang pangalan sa salang murder na inakusa sa kanya? Sino nga ba ang tunay na salarin?

Nalaman na rin na mayroong sabwatan na nangyayari sa pagitan nina Martin (Bernard Palanca) at Elizabeth (Ara Mina) kung saan pareho silang gumagawa ng paraan para magkahiwalay sina Via at Ramon. Paano kaya kung malaman ni Via ito? Makumbinsi kaya ni Martin si Via sa bagong buhay na kasama siya?

Nakagugulat din ang mga eksenang nasaksihan sa pagitan nina Elizabeth at Victor (Christian Vazquez). Ano kaya ang tunay nilang relasyon?

Magtagumpay kaya sina Elizabeth at Victor sa planong pagpapabagsak kay Via? Paano kung malaman ni Trina (Sarah Edwards) ang relasyong namamagitan sa kanilang dalawa? Paano kaya nito maaapektuhan ang katotohanan sa likod ng pagkamatay ni Ramon?

Sa kabilang banda, patuloy na nanganganib ang buhay ni Kenneth. Makakaya kayang isakripisyo ni Joseph (Rob Gomez) ang nararamdaman para kay Andrea (Michelle Vito) para matulungan siya ni Ronnie (Polo Ravales) sa pagsalba ng buhay ng anak. Pumayag kaya si Andrea sa kasunduang ito?

Kapwa malalagay naman sa panganib ang buhay nina Hannah (Lianne Valentin) at Kelvin (Kimson Tan) nang malaman na ni Victor ang tunay nilang relasyon. Matupad pa kaya nina Hannah at Kelvin ang pangako nilang pagsasama? O tuluyan na itong tatapusin ni Victor?

Samantala, ano kaya ang mangyayari kay Nika (Shaira Diaz) sa patuloy nitong pagtanggi sa hinihinging tulong sa kanya ni Trina para pabagsakin si Via? O tuluyan na kaya silang magkakaayos ni Caloy para mailigtas si Via mula sa masasamang plano nina Trina at Elizabeth?

Huwag palampasin ang huling linggo ng Lovers & Liars, Lunes hanggang huwebes, 10:05 p.m. sa GMA Prime.

BASAHIN ANG MGA PAPURING NATATANGGAP NG LOVERS & LIARS MULA SA MGA MANONOOD DITO: