
Patuloy na umiinit ang mga eksena sa triple-plot drama series na Lovers & Liars.
Ngayong Miyerkules (December 6) base sa teaser na inilabas ng Lovers & Liars, aalamin na ni Joseph (Rob Gomez) ang totoo kung nagkaroon nga ba sila ng anak ni Andrea (Michelle Vito).
Nang tanungin ni Joseph si Andrea kung anak nga ba nito si Kenneth, agad na itinanggi ng huli na hindi niya ito anak. Pero sinundan ito ng tanong ni Joseph na kung hindi niya anak si Kenneth ay nasaan ang tatay nito?
Samantala, nagbigay naman ng kondisyon si Via (Claudine Barretto) sa pakiusap ni Caloy (Yasser Marta) na kung maaaring makabalik si Nika (Shaira Diaz) sa Pacifica.
Tanggapin kaya ni Caloy ang alok ni Via na siya ang mamuno sa pagpapatayo ng bahay ng huli sa Batangas?
Kaabang-abang din ang mga susunod na mangyayari sa relasyon nina Hannah (Lianne Valentin) at Kelvin (Kimson Tan) lalo na ngayong pinagtapat na ng una sa huli ang pagkakaroon nito ng sugar daddy--si Victor (Christian Vazquez).
Subaybayan ang Lovers & Liars, Lunes hanggang Huwebes, 9:35 p.m. sa GMA Telebabad.