Article Inside Page
Showbiz News
Mapapanood siya muli sa much-anticipated drama na malapit ng ipalabas sa GMA Telebabad, ang
Akin Pa Rin ang Bukas. Ipapalabas din ang natatangi niyang pagganap sa GMANews TV’s
Titser. At kasalukuyan siyang host sa
Sunday All Stars. Siya ay walang iba kundi ang multi-talented Kapuso actress na si Lovi Poe.

Mapapanood siya muli sa much-anticipated drama na malapit ng ipalabas sa GMA Telebabad, ang
Akin Pa Rin ang Bukas. Ipapalabas din ang natatangi niyang pagganap sa GMANews TV’s
Titser. At kasalukuyan siyang host sa
Sunday All Stars. Siya ay walang iba kundi ang multi-talented Kapuso actress na si Lovi Poe.
Nalaman ng GMANetwork.com na ang
Sunday All Stars ang kauna-unahang hosting job ni Lovi ng makapanayam namin siya kamakailan pagkatapos ng naturang programa.
“It’s very new to me. Kasi nga, di ako naghohost naman talaga. But then, now that I was given this opportunity, I feel so great, “pahayag niya.
Dagdag pa ni Lovi, “We’re running around back and forth changing our outfit. Nakaka-stress talaga, pero masaya dahil kasama ko naman si Heart [Evangelista].”
Bukod pa sa hosting, meron din siyang upcoming show sa GMA, ang
Akin Pa Rin ang Bukas.
“Gusto ko muna mabasa ang script. Eventually, aralin or eemote ko na lang iyon. Internalize,” paglalahad niya sa kanyang preparations para sa Akin Pa Rin ang Bukas.
Binigyan kami ng patikim ni Lovi sa dapat abangan sa palabas na ito. “It’s about someone longing for love. Tapos, kinuha sa kanya lahat. So, gusto niya maibalik sa kanya ang mga kinuha sa kanya.”
Nang tanungin kung nakaka-relate ba siya dito,“Oo,” ang mabilis niyang sagot sa amin.
“I think, all of us can relate, kaya maganda iyong story. I’m so happy, dahil lahat naman tayo makaka-relate. Lahat naman tayo, parang naramdaman iyong mawalan ng isang bagay. So, gusto natin maibalik iyon.”
Kakaibang Lovi naman ang mapapanuod sa
Titser na ipapalabas sa GMANews TV. Inamin niya na challenging ang kanyang naging role dito.
“It’s the most difficult thing I’ve ever done so far. Iyong pagiging titser, mahirap. Mahirap maging titser.”
Ngayong kilala na siya bilang Primera Aktresa, ano ang masasabi niya tungkol dito?
“Nahihiya ako. I feel so small. Kinikilig ako. I can’t still believe it. Gusto ko magpasalamat dahil binigay sa akin iyon. Nahihiya nga akong tanggapin,” buong pagkukumbaba niyang sinabi sa amin.
Mapapanuod si Lovi Poe tuwing linggo sa
Sunday All Stars, 12NN. Abangan din ang kanyang natatanging pagganap bilang guro sa GMA News TV
Titser at ang kanilang pagbabalik-tambalan ni Rocco Nacino sa
Akin Pa Rin ang Bukas sa GMA Telebabad. –
Text by Eunicia Mediodia, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com.