
Na-impress ang versatile TV-movie actress na si Lovi Poe sa co-star niya sa upcoming film na “Guilty Pleasure” na si Jameson Blake.
Nag-guest ang dalawa sa It's Showtime ngayong Martes, October 15 para i-promote ang kanilang pelikula na ipapalabas simula bukas (October 16).
Ang “Guilty Pleasure” ay collaboration ng Regal Entertainment at C'est Lovi Productions na itinatag ni Lovi.
Nagkuwento si Jameson sa It's Showtime hosts sa magiging role niya sa movie.
“I will be playing as Matthew, isang intern na lawyer. Makikita natin dito kung magiging lovers ba sila ni Alexis dito or magkalaban. Makikita natin yan dito.”
Pinuri rin ng actor ang husay ng leading lady niya na si Lovi, sabi niya, “At kung na-enjoy n'yo 'yung performance ni Lovi dito, mas mae-enjoy n'yo 'yung performance niya sa Guilty Pleasure, ang galing niya talaga.”
Para naman sa former Owe My Love star, inilarawan niyang “breath of fresh air” ang performance ni Jameson.
“Ang husay, husay din ni Jameson. Super!” ani Lovi.
Dagdag ng aktres, “Pero something to look forward talaga si Jameson, breath of fresh air. Talagang phenomenal actor siya dito.”
Makakasama rin nina Lovi at Jameson sa “Guilty Pleasure” si JM De Guzman at dinirehe ang naturang pelikula ni Connie Macatuno.
Samantala, ilang malalaking TV projects ang ginawa noon ni Lovie Poe sa GMA-7. Bumida siya sa Ang Dalawang Mrs. Real (2014), Beautiful Strangers (2015), Someone to Watch Over Me (2016-2017), at huli niyang project ay ang primetime series na Owe My Love na ipinalabas ng kasagsagan ng COVID-19 pandemic noong 2021.
RELATED GALLERY: THROWBACK PHOTOS OF LOVI POE