
Nagbabalik-telebisyon ang kinagiliwan at pinag-usapang drama anthology na Karelasyon.
Sa June 19 episode ng Karelasyon rerun, naipit sa sitwasyon si Marose (Lovi Poe) dahil sa ex-boyfriend niyang si Brando (Benjamin Alves).
Malapit nang ikasal si Marose sa kanyang fiancé na si Leo (Carl Guevarra) para lumagay na sa tahimik pero hindi pa mapanatag ang kanyang loob dahil sa threat ni Brando.
Pananakot ni Brando, ilalabas niya ang sex video nila ni Marose kapag hindi siya babalikan nito.
Maraming buhay at reputasyon ang maaaring masira sa scandal na ganito.
Sa kaso nina Marose at Leo, masusubok ang katatagan ng kanilang samahan.
Buong puso namang tinanggap ni Leo ang nakaraan ni Marose kasama na ang pagkakaroon nito ng iskandalo.
Nagkasundo silang haharapin ang mga pagsubok na magkasama at hindi sila maghihiwalay nang dahil lang sa isang sex video.
Panoorin ang buong episode rito:
Sa mga nais balikan ang full episodes ng Karelasyon, pumunta lang sa GMANetwork.com o GMA Network app.
Para naman sa mga Kapuso abroad, bisitahin ang www.gmapinoytv.com para sa iba pang impormasyon kung paano mapapanood overseas ang drama anthology.