Tila hindi lang sa Lip Sync Battle Philippines may ka-kompetensya si Lovi Poe. Magiging karibal din kasi niya bilang Rica si Boobay, ang kanyang kapatid na si Jana sa Dear Uge.
READ: Lovi Poe at Solenn Heussaff, magsasagupa sa Lip Sync Battle Philippines
Magkaibang-magkaiba ang magkapatid na sina Rica at Jana. Hindi sila magkasundo at lalong lumala ang kanilang sibling rivalry nang magsama sila sa isang trabaho bilang mall stall vendors at ma-in love sa kanilang boss na si Edgardo.
Magkakasakitan ng damdamin, at mauungkat ang pagiging isang hindi tunay na
anak ng isa sa kanila. Anong pag-ibig kaya ang mananaig kina Rica at Jana?
Abangan ang kanilang kwento ngayong Linggo (April 3) sa Dear Uge, pagkatapos ng Sunday PinaSaya.