What's on TV

Lovi Poe at Dennis Trillo, ibinahagi ang maaaring matutunan sa pagtatapos ng kanilang teleserye

By Marah Ruiz
Published May 17, 2018 1:09 PM PHT
Updated May 17, 2018 1:25 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PCSO: No winners in 6/49, 6/58 lotto draws on Sunday, Dec. 28
Farm to Table: (December 28, 2025) LIVE
Miss Grand International All Stars announces rescheduling

Article Inside Page


Showbiz News



"Huwag kayong magmamadali kasi..." ano ang natutunan ni Dennis Trillo tungkol sa second chances sa pag-ibig dahil sa 'TOTGA.' Alamin sa istorya na ito.

Ilang episodes na lang ang natitira sa sexy romantic comedy na The One That Got Away.

Kaya naman inaasahan ng mga lead stars nitong sina Lovi Poe at Dennis Trillo na may matututunan dito ang mga manonood.

"I think the fact na na-realize mo that you love someone and then nagkabalikan kayo, I think you wouldn't want to let go of that person anymore," pahayag ni Lovi na humugot sa natutunan niya sa kanyang character na si Alex. 

Na-appreciate naman ni Dennis ang second chances dahil sa pagganap niya bilang Liam. 

"Iba kasi 'pag naging kayo tapos nagkahiwalay kayo. Doon sa time na wala kayo at naghiwalay parang minsan doon mo mare-realize kung gaano kaimportante 'yung taong nawala. So pagdating ng pagkakaton na may chance ulit kayo maging okay, mas solid na," aniya. 

Nagbigay rin ang dalawa ng love advice para sa kanilang mga fans.

"Give your all when it comes to love so that in the future, you have no regrets," simpleng payo ni Lovi. 

"Huwag kayong magmamadali kasi darating din 'yung para sa inyo—hindi man siguro ngayon pero sa mga susunod na panahon," sambit naman ni Dennis.

Abangan ang nalalapit na pagtatapos ng The One That Got Away, Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Kambal, Karibal sa GMA Telebabad.