
Double celebration ang naganap nang sorpresahin sina Lovi Poe at Jackie Lou Blanco ng kanilang Owe My Love co-stars para sa kanilang kaarawan.
Kasalukuyang naka-lock in taping ngayon sina Lovi at Jackie Lou kasama ang ibang mga artista ng upcoming Kapuso rom-com series. Kahit nagtatrabaho at malayo sa kanilang mga mahal sa buhay, nabalot pa rin ng saya ang kanilang kaarawan. Sinigurado pa rin kasi ng kanilang co-stars na makapag-celebrate sila.
Kuwento ni Benjamin Alves tungkol sa kanilang ginawang sorpresa, “So @lovipoe and I took a really heavy scene together, only to be told by our AD that the camera wasn't recording. Of course, this was all a ruse to greet our lovely SenSen a happy birthday. Heheh. We gotta commend the acting of our production to make Lovi fall for our bait, and of course the grace of Lovi to be so game to do the scene all over again.”
Nakatanggap din ng sweet surprises si Lovi mula sa kanyang boyfriend na si Monty Blencowe.
Nagpadala ang kanyang nobyo ng video greetings mula sa malalapit nilang kaibigan. Isang dedication din ang kanyang ibinahagi sa kanyang social media account.
Aniya, “Happy birthday @lovipoe!! I hope you have an amazing day! I know this year will bring you everything that you want. Very proud of all that you are achieving and can't wait to see you soon!”
Maliban sa mga ito, nag-subscribe din si Monty sa GMA Pinoy TV para siguraduhing mapapanood niya ang kanyang nobya sa pagsisimula ng Owe My Love sa Lunes, February 15.
Happy birthday, Lovi and Jackie Lou!
Kilalanin ang iba pang artists na mapapanood sa Owe My Love: