
Binisita ng aktres na si Lovi Poe ang hometown ng kanyang yumaong ama na si Fernando Poe, Jr. sa Pangasinan noong ika-20 taong anibersaryo ng kamatayan nito noong December 14.
Pumunta si Lovi sa bayan ng San Carlos kasama ang kanyang half-sister na si Senator Grace Poe at anak nitong si Brian Poe Llamanzares.
Bilang paggunita sa 20th death anniversary ni FPJ, nagpasalamat ang pamilya ng late legendary action star sa mga loyal fans nito na hanggang ngayon ay patuloy siyang patuloy na iniidolo at sumusuporta sa kanyang mga pelikula.
Sulat ni Lovi sa kanyang Instagram post, "His memory lives 20 years on.
"Happy to visit Dad's hometown in Pangasinan where his name and legacy continue to inspire us all. Maraming salamat poe sa pagmamahal at mainit na pagtanggap.
"San Carlos, you feel like home. "
Bago ito, nagkaroon din ng misa sa Manila North Cemetery kung saan nakalagak ang mga labi ng King of Philippine Movies.
Samantala, sa pamamagitan ng partnership agreement ng GMA at FPJ Productions, Inc., mapapanood ang digitally restored films ng National Artist for Film sa GMA via FPJ Sa GMA simula 2025.
TINGNAN ANG CONTRACT SIGNING CEREMONY DITO: