GMA Logo Lovi Poe
Celebrity Life

Lovi Poe, nakakahalata nang may sumasabotahe sa kanyang diet

By Maine Aquino
Published May 20, 2020 5:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Nepal's rapper-turned-politician looks set for landslide win
Fajardo, Ando lead honorees in 40th Cebu Sports Awards
Nikko Natividad's wife Cielo Eusebio speaks up about viral intimate video scandal

Article Inside Page


Showbiz News

Lovi Poe


Lovi Poe: "Kasi parang puro kayo, Ms. Lovi puwede ba akong magpadala ng ube pandesal?"

"Medyo nakakahalata na ako guys ha."

Ito ang unang pahayag ni Lovi Poe sa kanyang Instagram Stories nang mahalata niyang may sumasabotahe umano sa kanya.

Natatawang kuwento ng aktres, patuloy ang pagpapadala sa kanya ng pagkain na nakakataba ng tiyan.

"Kasi parang puro kayo, Ms. Lovi puwede ba akong magpadala ng ube pandesal? Ms. Lovi puwede ba akong magpadala ng cookies? Ms. Lovi puwede ba ako magpadala ng cake?"

Hindi lang online sellers ang nagpapadala ng regalo sa kanya, dahil pati ang kanyang pinsan at kaibigan ay nakisali na rin.

"Tapos 'yung pinsan ko, girl padalhan kita ng binagoongan. Tapos ngayon naman 'yung friend ko, girl do you eat banana bread?"

Nabuking man umano ang kanyang weakness, nagpapasalamat pa rin siya sa mga inireregalo sa kanya.

"Kahit natuklasan niyo na ang weakness ko, salamat ng marami pa rin! Kasi.. yes nakakataba ng puso kahit pa nakakataba ng tyan!"

Lovi Poe explains hunger hormones and shares ways to manage them

Lovi Poe reacts to people saying she looks like Octavia of 'The 100'