GMA Logo lovi poe
What's Hot

Lovi Poe, nakamit ang pangarap sa pelikulang "Seasons"

By Dianne Mariano
Published July 8, 2021 5:38 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'Scared? Spill!' with Sanya Lopez and Jon Lucas
Senators eye higher pay for barangay officials, workers
Take a look at the holiday schedule of Intramuros sites

Article Inside Page


Showbiz News

lovi poe


Nakamit rin ni Lovi Poe ang pangarap niyang makabuo ng sariling konsepto para sa isang pelikula.

Masayang ibinahagi ni Lovi Poe na konsepto niya mismo ang ginamit para sa bago niyang pelikula, na pinamagatang Seasons.

Sa panayam ng Unang Hirit, tinanong si Lovi kung gagawin na niya bilang career ang pagsusulat at pagtatrabaho sa likod ng camera.

Sagot ng dating Owe My Love actress, “Well, actually, I feel like it's a start. Matagal ko na po gusto magsulat ng sarili kong story and now I finally did the first step.

“I took the first step and feeling ko susunod-sunod na po siya,” dagdag ng aktres.

Samantala, ibinahagi rin ni Lovi kanyang larawan kasama si Carlo Aquino, na makakasama niya sa nabanggit na pelikula.

Sinulat niya sa caption, “Doing a film with this guy @jose_liwanag”

A post shared by Lovi Poe (@lovipoe)

Suportado ng fans at ilang kaibigan sa industriya, kabilang na ang kapwa Kapuso stars ni Lovi na sina Carla Abellana at Tom Rodriguez, ang bagong proyektong ito ng aktres.

Photo courtesy: lovipoe (IG)

Bukod dito, nagpasilip din Lovi ng ilang behind-the-scenes na litrato nila ni Carlo sa kanyang Instagram Stories.

Sinulat niya sa unang post, “Wait. Whut? Tutoo ba?”

Photo courtesy: lovipoe (IG)

Para naman sa sumunod na litrato aniya, “Ay, Tutoo nga!! Filming soon “Seasons”.

Photo courtesy: lovipoe (IG)

Ipinakita rin ni Lovi ang titulo ng pelikula kung saan makikita ang kanyang pangalan sa ibaba.

Photo courtesy: lovipoe (IG)

Kaugnay nito, ibinahagi rin ni Carlo Aquino ang kanilang behind-the-scenes photos sa kanyang Instagram Stories.

Photo courtesy: jose_liwanag (IG)

Maliban rito, kilala rin na certified K-drama fan si Lovi.

Sa Unang Hirit, tinanong dating Ang Dalawang Mrs. Real actress kung ano ang naiisip niyang story concept kasama ang isang korean oppa at siya ang leading lady.

“Ang dami pumapasok sa isip ko. Siguro concept, maganda siguro isa akong OFW na napunta sa Korea. Siyempre, boss ko isa sa mga oppas,” nakatutuwa na sagot ni Lovi.

Sina Park Seo-joon at Hyun Bin naman ang naisip niyang maging leading man para sa konseptong ito.

Tingnan muli ang mga naging leading man ni Lovi Poe sa mga teleserye sa gallery na ito: