What's Hot

Lovi Poe, thankful sa success ng 'Hindi Tayo Pwede'

By Dianara Alegre
Published August 11, 2020 11:31 AM PHT

Around GMA

Around GMA

DPWH defends bid to restore budget: Lower material costs, no projects to bring back
Palompon, Leyte cop found positive for shabu faces dismissal
Farm to Table: (December 14, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

lovi poe on hindi tayo pwede


Ibinahagi ni Lovi Poe na naging motivation niya ang natatamong kasikatan ng “Hindi Tayo Pwede” para magtrabaho sa kabila ng nagaganap na health crisis.

Pumatok sa Netflix ang romantic film na Hindi Tayo Pwede, na pinagbibidahan ni Kapuso actress Lovi Poe kasama sina Tony Labrusca at Marco Gumabao.

Ipinalalabas sa naturang streaming site ang pelikula simula noong August 4, at mula noon ay tinangkilik na ito ng publiko hanggang sa maging no. 1 most watched film sa Netflix itong August 7.

 Lovi Poe Tony Labrusca and Marco Gumabao

Source: lovipoe (IG)

Ibinahagi namna ni Lovi ang kanyang saya dahil sa natatamong kasikatan ng pelikula niya sa eksklusibong panayam ng 24 Oras kahapon, August 10.

“I'm just glad na maraming nanood during the first day din nu'ng kakalabas pa lang. And then suddenly, umabot kami ng ganu'n sa trending list at naging number one movie,” aniya.

Bukod sa mahusay nilang pag-arte, ang nagustuhan daw talaga ng publiko sa movie ay aral na mapupulot dito.

Idinirehe ni Joel Lamangan at isinulat ni Ricky Lee, ang Hindi Tayo Pwede ay tungkol sa moving on at letting go.

Dito ay maiipit sa isang love triangle ang karakter ni Lovi sa pagitan naman ng mga role nina Tony at Marco, na gaganap bilang kanyang boyfriend at best friend.

“Hindi mo maiiwasan na ma-realize kung gaano kaimportante 'yung time n'yo sa isa't isa. That's why I think it's important.

"Isa rin siguro sa aral ng pelikula is 'yung never take the people you love for granted,” aniya pa.

Lubos din ang pasasalamat ni Lovi sa mga netizen na nag-iiwan ng magagandang feedback sa Hindi Tayo Pwede sa social media.

Netizens nag react sa pelikulang Hindi Tayo Pwede ni Lovi Poe

Netizens, nag-react sa pelikulang “Hindi Tayo Pwede” ni Lovi Poe | Source: lovipoe (IG)

“Alam mo 'yung nangyayari sa atin 'to ngayon. Ang hirap makahanap ng motivation para magtrabaho o bumangon man lang.

“So, 'yang mga ganyang simpleng bagay talagang all of a sudden paggising ko kaninang umaga, ready na ako, parang magpe-prepare na ako,” dagdag pa ng aktres.

Sa kasalukuyan ay itinutuon ni Lovi ang kanyang atensyon sa pagpapalakas ng kanyang immunity sa pamamagitan ng pagkain ng masustansiya at pagwo-workout.

“Now, I'm trying to go back to my usual lifestyle kasi nga magsisimula nang magtrabaho,” sabi pa niya.

Lovi Poe

Source: lovipoe (IG)

Senator Grace Poe proud of sister Lovi Poe's success on Netflix