
Tampok ang mga Kapuso leading ladies na sina Lovi Poe, Valeen Montenegro, at Liezel Lopez sa upcoming episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.
Bibigyang buhay nila ang kuwento ng tatlong babaeng maghahati sa babaerong asawa na gaganapan naman ni Rafael Rosell.
Si Lovi ay si Racquel habang si Rafael naman ang asawa niyang si Benjie.
Magiging mabuti ang samahan ng dalawa hanggang ipagbuntis ni Racquel ang kanilang unang supling.
Malalaman niyang may ibang babae si Benjie--si Marlene na gaganapan ni Valeen.
Dahil buntis, tatanggapin na lang ni Racquel ang pagpapatira ni Benjie kay Marlene sa kanilang tahanan.
Pero nang si Marlene naman ang magdalangtao, may panibagong iuuwing babae si Benjie--si Lani na gaganapan ni Liezel.
Iniimbita naman ni Liezel ang mga manonood na tumutok sa kontrobersiyal nilang episode.
"Ang Asawang Naging Kabit" ay inidirihe ni Adolf Alix Jr. Panoorin ito ngayong Sabado sa #MPK.