Article Inside Page
Showbiz News
Pagkatapos unang magsama sa romantic TV show na
Mistaken Identity last year, muling magkakatrabaho sina Lovi Poe, Rocco Nacino, at Luis Alandy sa pinakabagong Afternoon Prime offering na
Yesterday’s Bride. Sa press conference ng naturang TV series last October 19, ibinahagi ng tatlong Kapuso stars ang kanilang excitement to work with each other again, at kung paano nanatili ang pagkakaibigan nila.
Pagkatapos unang magsama sa romantic TV show na
Mistaken Identity last year, muling magkakatrabaho sina Lovi Poe, Rocco Nacino, at Luis Alandy sa pinakabagong Afternoon Prime offering na
Yesterday’s Bride. Sa press conference ng naturang TV series last October 19, ibinahagi ng tatlong Kapuso stars ang kanilang excitement to work with each other again, at kung paano nanatili ang pagkakaibigan nila.
Naniniwala si Lovi na mas naging malapit sila ni Rocco ngayong mas mature na ang roles na gagampanan nila. “Iba rin kasi ‘yung mga ginagawa namin dito sa show, ‘yung mature talaga. Siyempre doing these kinds of scenes together, parang mas may nabubuong friendship, mas lumalalim ang pagkakakilala namin sa isa’t isa, ‘yung pagiging kumportable.”
Dagdag naman ni Rocco, “She said it all, at isama mo pa ‘yung chemistry na mayroon kami. Since
Love Bug, hindi nawala ‘yung friendship namin, madalas pa rin kaming nagkakausap, at nagkikita tuwing may
Party Pilipinas so lalong gumanda friendship namin.”
Kinamusta din ng press kung gaano sila ka-comfortable sa paggawa ng mga daring scenes. “Sa mga ganito naman pong eksena, nakakanerbiyos naman talaga pero he made me comfortable naman tsaka inalagaan naman niya ako,” shares Lovi.
Gumawa rin daw ng paraan si Rocco na mawala ang ilang ni Lovi sa kanya. “In that scene we believe na kami nga sina Justin at Andrea, who are deeply in love with each other. Sa simula, first day or second day ng taping, I made it a point na kausapin ng kausapin si Lovi to break the ice. Kaya pagdating namin sa eksena ni Lovi, kinaya na namin.”
Kinuwento naman ng mga leading men ni Lovi ang kani-kanilang mga characters at kung paano sila konektado sa character ni Lovi na si Andrea. “I will play Dr. Celso Agustin. I am part of the hospital kung saan nangyari yung pagka-comatose ni Andrea. Ang magiging role ko dito, I will put the dilemma on Lovi kasi I will give her a new life. My character is something different from Rocco, tapos gagawin ko everything huwag lang niyang balikan si Rocco,” Luis explains.
“Ako po si Justin Ramirez, ang dapat magiging asawa ni Lovi. Kaso, ‘yun nga, nagkataon na madidisgrasya siya. Si Justin ay mahal na mahal si Andrea, at ipaglalaban siya kahit kanino, kahit sa parents ko or kay Celso, na aagawin si Lovi. Throughout the story, makikita niyo kung paano niya Ibabalik si Andrea sa buhay niya,” kuwento ni Rocco.
Abangan sina Lovi Poe, Rocco Nacino, at Luis Alandy bilang Andrea, Justin, at Celso sa
Yesterday’s Bride, simula October 29, after
Eat Bulaga sa GMA Afternoon Prime. --
Michelle Caligan,
GMANetwork.com