
Kinaaaliwan ngayon online ang ilang "low budget edition" ng fans sa ilang mga eksena sa Encantadia Chronicles: Sang'gre.
Una na rito, ang magkaibigan na gumaya sa eksena nina Pirena at Lira habang napapalibutan ng mga gamugamo.
Ayon sa uploader na si John Ray, dahil sa dumaraming gamugamo habang sila ay naglalaro, naisipan nilang gayahin ang eksena kung saan kinukuha na si Lira ng mga retre, mga paruparo sa Encantadia na sumusundo sa namatay.
Narito ang ilan sa nakatutuwang komento ng netizens sa video na ito:
Isa namang Encantadik ang gumaya sa eksena nina Amihan, Pirena, Danaya, at Alena na nakipaglaban sa isang mabagsik na Argona, isang uri ng lumilipad na Pashnea (hayop) sa Encantadia na nahahawig sa dragon, na napanood sa pilot episode ng Sang'gre.
"Elsa vs Mitena" naman ang edition ng performance ng mga Encantadiks na ito habang nasa isang event. Ayon sa uploader na si Yanyan Mercado, "biglang lumabas si Kera [Mitena]."
@mrcdyan biglang lumabas si kera?#fyp #elsa #frozen #encantadia #kera ♬ original sound - Yanyan Mercado
Subaybayan ang Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:40 p.m. sa GTV.
Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network.
Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.
KILALANIN ANG CAST NG ENCANTADIA CHRONICLES: SANG'GRE SA GALLERY NA ITO: