TV

'LSS' starring Gabbi Garcia at Khalil Ramos, tampok sa I Heart Movies

By Marah Ruiz

Romantic movies ang hatid ng I Heart Movies ngayong linggo.

Isa na riyan ang musical drama film na LSS starring real-life sweethearts na sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos.

Si Gabbi ay si Sara habang si Khalil naman ay si Zak at magkakakilala sila dahil sa musika ng Pinoy indie-folk band na Ben&Ben.

Tampok din sa pelikula ang musika ng Ben&Ben.

Tunghayan sina Gabbi at Khalil sa LSS sa May 20, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.


Huwag ding palampasin ang romantic comedy movie na Because I Love You starring David Licauco at Shaira Diaz.

Gaganap si Shaira bilang si Summer, isang very independent at street-smart na babaeng nagtatrabaho bilang bumbero. Si David naman ay si Rael, tahimik at konserbatibong tagapagmana ng kanilang family business.

Magkaiba ang mga mundong ginagalawan kaya mag-aalangan si Summer na buksan ang kanyang puso kay Rael.

Bibigyan ba ng pagkakataon ni Summer si Rael?

Kasama nina Shaira at David sa pelikula si award-winning actor Martin del Rosario at si beauty queen-actress Michelle Dee.

Abangan ang Because I Love You, May 19, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.

Mapapanood ang I Heart Movies sa channel 5 ng digital TV receiver na GMA Affordabox at GMA Now. Available rin ito sa iba pang digital television receivers.