GMA Logo lips of a baby luane dy carlo gonzalez and jose christiano
Celebrity Life

Luane Dy, Carlo Gonzalez welcome baby no. 2

By Jansen Ramos
Published January 24, 2024 4:00 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - DOH on holiday health and emergency preparedness (Dec. 22, 2025) | GMA Integrated News
Cops foil delivery of suspected shabu, explosives in Ozamiz
Puto bumbong-inspired drink this Christmas

Article Inside Page


Showbiz News

lips of a baby luane dy carlo gonzalez and jose christiano


Isang araw bago ang ika-38 kaarawan ni Luane Dy, ipinasilip ng asawa niyang si Carlo Gonzalez ang litrato ng kanilang ikalawang anak sa Instagram.

Family of four na ang Kapuso couple na sina Luane Dy at Carlo Gonzalez matapos isilang ng TV host ang kanilang ikalawang anak.

Sa Instagram Story ni Carlo ngayong Miyerkules, January 24, isang araw bago ang 38th birthday ni Luane, inanunsyo ng aktor na nanganak na ang kanyang maybahay sa pamamagitan ng pag-post ng litrato ng kanilang newborn child kung saan ipinasilip niya ang mapulang labi ng sanggol.

Noong Lunes, January 22, nag-post pa si Luane ng kanyang maternity photos kung saan nasa ika-37 linggo na siya ng kanyang pagbubuntis.

A post shared by Luane Dy-Gonzalez (@luziady)

A post shared by Luane Dy-Gonzalez (@luziady)


Inanunsyo nina Luane at Carlo ang kanilang ikalawang pagbubuntis nang dumalo sila sa GMA Gala 2023 noong July 22, 2023 kung saan ipinakita ng TV host ang kanyang baby bump habang suot ang puting gown.

October 16, 2023 nang i-reveal ng couple sa Instagram na lalaki ang kasarian ng kanilang second baby. Sa post, ibinahagi ni Carlo papangalan din nila itong Jose gaya ng panganay nilang anak na si Jose Christiano.

Isinilang ni Luane ang kanilang unang anak ni Carlo noong April 30, 2020.