What's on TV

Luane Dy on acting: "Mas matagal 'yung hours of work, but it's fine with me because I love my job."

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated April 13, 2020 5:15 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Palace on Bong Revilla: Allies won't be spared
Resolusyon aron Mabalik ang Karaang Pamaagi sa Fluvial Procession, Giduso | Balitang Bisdak
Italian fashion designer Valentino passes away

Article Inside Page


Showbiz News



If Luane Dy were to choose between hosting and acting, the Unang Hirit and Chika Minute host would prioritize the latter, as this is what she was really eyeing when she entered showbiz. Kaya naman masaya siya nang sa kanya napunta ang role na Jill Galvez ng adventure-drama series na Genesis.


If Luane Dy were to choose between hosting and acting, the Unang Hirit and Chika Minute host would prioritize the latter, as this is what she was really eyeing when she entered showbiz. Kaya naman masaya siya nang sa kanya napunta ang role na Jill Galvez ng adventure-drama series na Genesis.

"Nung pumasok talaga ako ng GMA, ang gusto ko talaga was acting. Hindi ko rin alam kung paano ako napunta sa hosting (laughs). Siguro sabi nila, 'Ang daldal ng batang 'to, puwede siya mag-host. Okay, lagay natin siya diyan. Pak, ganun,'" pabiro niyang kuwento.

Aniya, "I love acting, kasi ibang outlet siya. 'Yung workshop ng totoong buhay, nagagamit mo siya doon. Lahat ng nangyayari sa'yo, lalo na kapag 'yung mga eksena na kailangan may pinanghuhugutan ka, ang dami mong puwedeng [gamitin]."

At kahit mas gusto niyang umarte kaysa mag-host, mas maraming oras daw ang kapalit nito. "Mas madali sa live, kasi sa live dire-diretso lang eh. Ang hirap lang sa live kapag nagkamali ka, ikaw naman 'yung mukhang tanga. So dapat talaga, aralin mo. Dito kasi, mas marami kang oras para aralin 'yung script mo kung ayaw mong magkamali. Hindi ka paulit-ulit, mas okay pa. I-take mo na 'yung oras mo, huwag mo nang sayangin. Ang mahirap lang, mas matagal din 'yung hours of work, but it's fine with me because I love my job. I love what I do."

How is it working with her Genesis co-stars?

"With Dingdong, I've worked with him before. Sobrang okay. And with the rest, sobrang walang tension. Siyempre kakabahan ka kasi [mga kasama mo] Miss LT, Miss Jackie Lou Blanco, Dingdong Dantes, Rhian Ramos. Lahat sila big stars, award winning. Nakakahiya na parang 'uh hello po', ganun. Pero sobrang okay, walang tension, kumportable ka, hindi ka maiilang sa kanila kasi lahat sila napaka mabubuting tao, sobrang husay sa trabaho na ginagawa nila. At saka marami kang mapupulot na lessons sa kanila. Hindi lang basta-basta sa acting, sa trabaho, kundi lessons in life."

This is not the first TV series that she is a part of, but Luane still makes it a point to ask her co-stars when preparing for a scene. "Usually sa script, pinag-uusapan namin. Madalas kong makaeksena dito is si Ms. Jackie Lou Blanco. Kapag nagtatanong ako sa kanya, pinag-uusapan namin 'yung script. Ganun niya ako natutulungan. Pati si Direk Mark, si Direk Joyce, ganun din. Ini-explain nila sa akin, so ako naman, magtatanong ako kasi wala rin naman talaga akong alam doon. Kasi originally, guest lang ako. 'Yung role ko, maikli lang, hanggang sa humaba ng humaba. Biglang naging importante ngayon, na parang ako 'yung may kasalanan na nalaman ng mga tao ang tungkol sa Project Genesis. Ang galing kasi 'yung experience ng totoong buhay na ginamit mo, through their help, sinasabi nila kung paano mo dadalhin 'yung ganun."

Nagtatanong rin daw siya sa mga kasamahan niya sa GMA News and Public Affairs on how she can give justice to her role. "It's very different from what I do kasi 'yung ginagawa ko talaga sa showbiz ako. Hina-handle ko 'yung mga chika portion lang, lighter side of the news. Pero ito, seryosong news ito. So malaking tulong na sa News and Public Affairs ako at 'yung mga kasamahan ko na news anchors talagang tinatanong ko sila. 'Paano ba gawin 'yung ganito?' Binibigyan ko sila ng example tapos sasabihin nila 'Ganito lang yan, ganyan' so malaking tulong."

Catch Luane Dy on Genesis, weeknights after 24 Oras, on GMA Telebabad. -- Text by Michelle Caligan, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com