GMA Logo Vice Ganda, Lucas Landicho, Imogen Cantong
PHOTO COURTESY: ABS-CBN Entertainment (YouTube)
What's on TV

Lucas at Imogen, ibinahagi ang regalo sa kanila ni Vice Ganda

By Dianne Mariano
Published January 2, 2024 6:14 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Evidence vs. public servants should not be used for politicking — Palace
2 hurt in Basilan fire; 3 houses razed
New food hall opens latest branch in BGC

Article Inside Page


Showbiz News

Vice Ganda, Lucas Landicho, Imogen Cantong


Ano kaya ang regalo ni 'It's Showtime' host Vice Ganda kina Batang Cute-pos Lucas at Imogen?

Ibinahagi nina Lucas Landicho at Imogen Cantong ang regalong natanggap nila mula kay Vice Ganda.

Sa episode ng It's Showtime noong Lunes (January 1), nakasama ng hosts ang Batang Cute-pos na sina Argus Aspiras, Lucas Landicho, Imogen Cantong, Kulot Caponpon, at Jaze Capili, pati ang “Mini Miss U” Cutie Queens na sina Kelsey Lasam at Enicka Orbe.

Nang tanungin ni Vice Ganda ang Batang Cute-pos at “Mini Miss U” Cutie Queens kung marami silang natanggap na regalo nitong nagdaan na Pasko ay masayang sumagot ng “opo” ang mga ito.

Matapos ito, itinuro ni Vice Ganda si Lucas, na aniya'y kanyang inaanak, at tinanong ni Vhong Navarro sa Batang Cute-po kung ano ang regalo sa kanya ng komedyante.

“Prayers and love,” sagot ni Lucas.

Sinabi rin ni Vice Ganda kay Vhong na tanungin si Imogen kung ano ang iniregalo niya rito.

“Ano niregalo sa'yo ni Ninang Vice, Imogen?” tanong ni Vhong.

Sagot ni Imogen, “Love and caring po.”

“Grabe ka naman,” hirit naman ni Anne Curtis kay Vice.

Ani ng Unkabogable Star, “Iba 'yung love. The children need love.”

May biro naman si Jhong Hilario para kay Vice Ganda matapos sabihin nina Lucas at Imogen ang regalo ng seasoned comedian sa kanila.

“You are the sweetest Ninang and Tita sa kanila pero ikaw din pinakakuripot [laughs],” biro ni Jhong.

Patuloy na subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Biyernes, 11:30 a.m., at 12 noon tuwing Sabado sa GTV.