GMA Logo Stolen Life
What's on TV

Lucy, ilang beses na iniligtas si Darius sa 'Stolen Life'

By Maine Aquino
Published February 28, 2024 12:51 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Bongao, Tawi-Tawi declares state of emergency over fuel shortage
Flood-resistant building na ipinatayo ng GMAKF sa Malitbog E.S., pinasinayaan | 24 Oras
Maalinsangang panahon, asahan sa mga nalalabing araw ng Semana Santa | One North Central Luzon

Article Inside Page


Showbiz News

Stolen Life


Si Lucy ang naging tagapagligtas ng kaniyang minamahal na si Darius. Balikan ang ilang beses na nagligtas si Lucy ng buhay ni Darius.

Si Lucy ay ginagawa ang lahat para laging masiguro na ligtas ang kaniyang minamahal at soulmate na si Darius.

Sa simula pa lang ng Stolen Life, nailigtas na agad ni Lucy ang buhay ni Darius mula sa panganib. Dahil sa kaniyang kakayahang mag-astral travel ay nakita niya ang kalagayan ni Darius at nailigtas ito mula sa bingit ng kamatayan. Ito rin ang naging paraan para sila ay magkakilala.

Kahit na nasa katawan ni Farrah si Lucy dahil sa astral projection, nailigtas pa rin niya ang asawa nang siya ay maaksidente sa isang site.

Hindi na mapipigil si Farrah sa kaniyang kasamaan kaya naman kinuha niya si Darius. Nag-astral travel si Lucy para mahanap si Darius at mailigtas mula kay Farrah. Nang mahanap ni Lucy si Darius ay agad niyang itinakas ito sa tulong ng kanilang security na si Isaac.

Nailigtas man ni Lucy ang asawa may orasyon namang ginawa si Farrah kay Darius.

Abangan ang mangyayari sa last three episodes ng Stolen Life, 3:20 p.m. sa GMA Afternoon Prime. Mapapanood din ang Stolen Life online sa Kapuso Stream.

Samantala, balikan ang cast ng Stolen Life: