Article Inside Page
Showbiz News
On-screen na magkaribal sa puso ni Esperanza sina Edwin (Luis Alandy) at Dencio (Dion Ignacio), pero off-screen, close ang dalawa. Sa panayam ng GMANetwork.com, ikinuwento sa amin ni Luis Alandy ang mga bagay na hindi pa natin alam kay Dion.

On-screen na magkaribal sa puso ni Esperanza sina Edwin (Luis Alandy) at Dencio (Dion Ignacio), pero off-screen, close ang dalawa. Sa panayam ng GMANetwork.com, ikinuwento sa amin ni Luis Alandy ang mga bagay na hindi pa natin alam kay Dion.
Sabi ni Luis, eloquent na tao si Dion at malambing magsalita. Nakikita niya ang passion ni Dion sa lahat ng kanyang ginagawa.
“Nakikita naman natin na very passionate siya. Meron siyang band aside from our taping,” pagbahagi ni Luis tungkol kay Dion.
Dagdag pa niya na kapag may nagustuhan si Dion, buong puso niya itong ginagawa.
“Pag meron siyang magustuhan, very lively siya magsalita about sa nagustuhan niya,” sabi ni Luis.
Parang kuya na kung ituring ni Dion si Luis. Sa nakaraang live chat, inamin ni Dion na hanga siya sa acting ni Luis. Ganoon din naman si Luis kay Dion.
Paalala pa ni Luis sa kanya, “Stay passionate sa kung ano man ‘yong ginagawa mo lalo na sa acting at sa music mo.”
Naniniwala rin si Luis na magiging leading man din si Dion ng GMA tulad niya.
“Nakikita naman natin na baka one of these days, ikaw na ang leading man ng GMA.”
Payo pa niya para mas lalong gumanda ang career ng kaibigan ay, “Keep working hard. Keep the passion!”
Marami ng lihim na unti-unting nabubunyag sa
Innamorata. Nalaman na natin ang koneksyon ni Edwin kay Arnaldo. At pinag-aagawan na siya ng mag-lolang si Alejandra at Esperanza.
Ayon kay Luis, hindi lang ang karakter niya ang dapat nating abangan. Pati na rin ang karakter ni Dion na si Dencio, “’Yun at ‘yung love and friendship ni Dencio kay Esperanza.”
Sino ba ang karapat-dapat kay Esperanza? Si Dencio o si Edwin?
Alamin ang kasagutan sa paganda nang pagandang kwento ng
Innamorata pagkatapos ng
Villa Quintana sa GMA Afternoon Prime. Para sa updates, bumisita lagi sa
www.gmanetwork.com.
-- Text by Eunicia Mediodia, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com