What's Hot

Luis Hontiveros declares on Yan Ang Morning!: "Pinapangako ko sa inyo pag ako naging boyfriend niyo, may forever na."

By GIA ALLANA SORIANO
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 29, 2020 1:55 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Michael Sager earns praise for hosting skills in MMFF Gabi ng Parangal
OVP staff hold breakfast gathering in Manaoag
Remembering icons and notable personalities we lost in 2025

Article Inside Page


Showbiz News



May message rin naman si Luis para sa kanyang tita na si newly-elected Senator Risa Hontiveros.


 

Have a chill weekend everyone! Peace out ??????????

A photo posted by Luis Hontiveros (@luishontiverosonly7) on

 
Nag-guest si Luis Hontiveros sa Yan Ang Morning! kasama ang Robredo sisters. Isa sa naging introduction ng ramp model ay ang: “Pinapangako ko sa inyo pag ako naging boyfriend niyo, may forever na.”

Pero bakit nga ba wala pa ring girlfriend hanggang ngayon si Luis?
 
Sa message para sa kanya ng kanyang tita, ang newly elected senator na si Risa Hontiveros. Nabanggit ni Senator Risa na marami ngang “nagtataka kung bakit walang girlfriend [si Luis] ngayon,” pero dinagdagan din niya na hindi siya nag-aalala sa love life ng pamangkin dahil alam daw niyang magiging masaya rin ang puso ni Luis.

Sabi pa niya, “Sigurado ako gagawa rin ng mga desisyon si Niño para maging maligaya sa buhay.” Madalas ay Niño ang tawag ng senador sa kanyang pamangkin. 
 

 

Guys Please watch me & the Robredo sisters on May 25 Wednesday 10:45am with @therealmarian on "Yan Ang Morning" ?? Thanks guys!

A photo posted by Luis Hontiveros (@luishontiverosonly7) on

 
Naikuwento rin ng senador ang mga good traits ni Luis. Aniya, “Si Luis mula nung pagkabata niya, napaka-sweet na bata niyan. Mula noon sa kanyang mga magulang, sa aming mga tita at tito, at hanggang ngayon sa mga kapatid niya.”
 
Dagdag pa niya, “Talagang kahit busy siya sa trabaho, uuwi siya sa bahay nila tuwing weekend. [At] talaga pinag-iisipan niya ano kaya [ang] pasalubong [na] pwedeng dalhin, anong papuri pwedeng sabihin niya. So, talagang lahat ng henerasyon namin sa aming pamilya talagang nae-enjoy ang company niya.”

 

We are here!!! #SulongRisa see you guys! ??

A photo posted by Luis Hontiveros (@luishontiverosonly7) on

 
May message rin naman si Luis para sa kanyang tita, nabanggit niya 'yung araw na sinundo siya nito.

Ika niya, “Very memorable and special day [iyun] kasi kakagaling ko lang [noon] ng Agusan del Sur, Davao, and Surigao. 'Yun 'yung umagang sinurprise ako ni tita na sunduin. Kasi sa whole 90 days parang tatlong beses lang kami nagkasama sa kampanya. Na-touch talaga ako kasi usually susunduin lang ako or ako lang mag-isa 'yung uuwi.”

MORE ON YAN ANG MORNING!:
 
Anong reaksyon ni Janine Gutierrez sa planong pagpapakasal ng kanyang ina na si Lotlot de Leon?
 
Sino ang pinakamatagal na on-screen kiss ni Louise delos Reyes?