
No pressure.
Ganito parehas isinalarawan ng newest Kapuso loveteam na sina Luis Hontiveros at Athena Madrid ang director nila na si Don Michael Perez sa GMA Telebabad series na To Have And To Hold.
Bigatin ang makakasama ng dalawa sa kanilang first-ever primetime soap sa pangunguna nina Carla Abellana, Rocco Nacino, at Max Collins.
Sa exclusive chat ng GMANetwork.com kina Luis at Athena na gaganap bilang Daryl and Grace, nagkuwento sila ng kanilang experience working with Don Michael Perez.
Dito isinalarawan ng Kapuso hunk bilang “generous” at approachable” ang kanilang director sa show.
Paliwanag ni Luis, “This is the third show na nakatrabaho ko siya, twice in Magpakailanman. Kahit nung una pa lang very approachable si Direk [Don Michael Perez].
“Sobrang light niya katrabaho na hindi ko po siya nae-experience na parang 'yung vibe niya na nakakadagdag pressure, no.
“He's just very open-minded, he's a generous director. If you ask, he will give you the answer, he will help you understand para maachieve n'yo parehas 'yung eksena.”
Dagdag pa ng Kapuso actor na na-appreciate niya ang naging trato sa kanila ni Direk Don Michael para mahasa pa sila bilang aktor lalo't baguhan pa sila sa industriya.
“He makes the job easier, basically, kung may struggle ako, kung may questions ako if I want to clarify something about may scene or scenes very willingly and open niya sasagutin 'yung mga tanong, which I very much appreciate. Kasi baguhan aktor at aktres pa lang kami ni Athena, so we need all the help we can get and we need all the learnings, we welcome that.”
Samantala, inalala naman ni Athena kung paano siya tinulungan ni Direk Don Michael Perez sa isa sa kanyang heavy scene sa To Have And To Hold para maibuhos ang lahat ng kanyang emosyon.
Pagbabalik-tanaw ng nakababatang kapatid ni Ruru Madrid, “Natatandaan ko may scene ako dito sa teleserye sa To Have And To Hold na nahirapan ako ibigay lahat, so akala ko, mape-pressure nga dahil ako kay Direk, pero hindi.
“Sobrang natulungan niya ako and isa sa siya sa director na kilala kong na hindi siya nakadagdag pressure sa isang artista. Kasi pag drama kailangan ramdam mo e, ayun 'yung dapat maipakita mo sa mga viewers, so nakaka-pressure talaga.
“Sobrang bigat nung eksena na ginawa ko na 'to. Inakyat ako ni Direk, kinausap niya ako about sa family, about sa history ko, paano 'yung family ko sa akin. And ayun sobrang natulungan niya ako and after nung pag-uusap namin na 'yun, doon ko nabuhos lahat, so sobrang thankful ako kay Direk."
Heto ang ilan sa aabangan ninyong eksena sa To Have And To Hold na malapit na ipalabas soon sa GMA Telebabad.
Related content:
EXCLUSIVE: Athena Madrid, nag-audition sa 'To Have And To Hold' kahit may COVID-19