
Nagpapasalamat si Luis Hontiveros sa oportunidad na ibinigay sa kanya ng GMA Network.
Nitong July, pumirma si Luis bilang bagong talent ng GMA Artist Center. Bukod sa pagiging aktor at model, si Luis ay sumikat online noong 2016 elections dahil napag-alaman ng mga netizen na pamangkin siya ni Senator Risa Hontiveros.
Photo credit: luishontiveros7
Para sa aktor, importante na ipagpatuloy umano ang paghasa ng talento para laging handa sa anumang proyektong ibigay sa kanya.
"Kailangan pinaghuhusayan, nag-aaral tayo, para handa 'pag bumalik na tayo sa projects natin 'pag nagsimula na ulit."
Napanood kamakailan lang si Luis sa ilang programa tulad ng Mars Pa More at GMA Artist Center online show na In the Limelight.
Kapuso Showbiz News: Luis Hontiveros, maayos na nagpaalam sa dating network bago maging Kapuso
EXCLUSIVE: Luis Hontiveros asked Rocco Nacino, Gil Cuerva for advice before transferring to GMA-7