GMA Logo luis hontiveros and athena madrid
What's on TV

Luis Hontiveros, posibleng magkagusto kay Athena Madrid

Published October 17, 2021 12:22 PM PHT
Updated October 17, 2021 12:25 PM PHT

Around GMA

Around GMA

BTS reunites for a celebration ahead of Christmas
Content creator Arshie Larga reveals his biggest investment in 2025
Girl rescued, hostage-taker killed in Marawi City

Article Inside Page


Showbiz News

luis hontiveros and athena madrid


Alamin ang katangian umano ni Athena Madrid na senyales ng pagiging sweet niya kay Luis Hontiveros.

Mutual ang nararamdaman ng To Have and To Hold love team na sina Luis Hontiveros at Athena Madrid sa isa't isa.

Una nang ipinahayag ni Athena na may chance silang magka-develop-an ni Luis na sinang-ayunan naman ng huli nang sumalang siya sa "Taran-tanong" segment ng Mars Pa More noong Biyernes, October 15.

"Given na maganda and dalaga si Athena, very talented also but also nagja-jibe kami. 'Yung humor namin, we connect in that. Makulit siya, may pagka- bully."

Ayon kay Luis, ang pagiging bully ni Athena sa kanya ang expression ng aktres ng pagiging sweet nito sa kanya kaya sila nagkakasundo.

A post shared by Luis Hontiveros (@luishontiveros7)

Parehong sumali sa reality show sina Luis at Athena.

Si Althea, kapatid ng aktor na si Ruru Madrid, ay produkto ng StarStruck Season 7. samantalang si Luis ay galing sa isang reality game show sa kabilang istasyon.

Mapapanood sina Luis at Athena bilang Daryl Manabal at Grace Ramirez sa To Have and To Hold na ipinapalabas weekdays sa GMA Telebabad.

Narito ang pasilip sa ilan nilang eksena sa serye: