
Naghatid ng good vibes ang television host na si Luis Manzano sa It's Your Lucky Day kamakailan dahil sa pabirong hirit nito.
Sa “Pangma-Luckcashan” segment ng programa kahapon, (October 23), napansin ni Luis na ang kanyang mga larawan ang ginamit sa props na lucky coins.
“Sa dinarami-rami ng picture ko na makikita ngayon sa Internet, ako mismo nagpo-post, 'yan pa talaga. Ang gusto nga natin, ma-extend e, tinatapos n'yo naman, e. 'Yan ang problema sa ating lahat," pabirong sabi ni Luis.
"Pero maraming salamat," dagdag niya.
Hawak ng Lucky Ladies ang 10 lucky coins, kung saan lima rito ay mayroong crying face ni Luis at limang happy face ni “Luisa.”
Kinuha naman ni Luis ang isang lucky coin na may mukha ni “Luisa,” o ang babaeng bersyon ng kanyang larawan, at nagbigay ng mensahe sa kanyang anak na si Isabella Rose, o Baby Peanut.
Related content: The cutest photos of Isabella Rose, Luis Manzano and Jessy Mendiola's daughter
“Kaya ngayon pa lang kay Peanut, sa aking anak, ngayon pa lang hihingi na ako ng sorry na more or less, ito magiging itsura mo paglaki. Kaya pasensya na, pasensya na kay Peanut,” ani Luis.
Dagdag naman ni Shaina Magdayao, “Oh no, Peanut.”
Agad na sumagot si Luis sa aktres at pabirong sinabi, “Grabe naman 'yung 'Oh no, Peanut' mo. Parang ang panget panget ko.
“Parang nasira na 'yung buhay niya agad agad dahil sa akin.”
Subaybayan ang It's Your Lucky Day, 12 noon, sa GTV.
Watch It's Your Lucky Day and other GTV shows in digital quality with GMA Affordabox! You can also enjoy watching your favorite Kapuso programs anytime, anywhere with GMA Now!
Buy GMA Affordabox and GMA Now at appliance stores and malls nationwide. You can also shop online via GMA Store and thru the official stores of GMA in Shopee and Lazada.