GMA Logo Luis Manzano and Melai Cantiveros
PHOTO COURTESY: ABS-CBN Entertainment (YouTube)
What's on TV

Luis Manzano, ipinakita ang throwback photo ni Melai Cantiveros

By Dianne Mariano
Published October 26, 2023 5:32 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Marcos: Though thankless, public service is a job that is worth it
6 hurt in 'festi-brawl' in Roxas City, Capiz
A festive beauty pop-up opens in the South just in time for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Luis Manzano and Melai Cantiveros


Bakit kaya ipinakita ng host na si Luis Manzano ang throwback photo ni Melai Cantiveros sa 'It's Your Lucky Day'?

Isa-isang ipinakita nina Luis Manzano at ng Lucky Stars sa recent episode ng It's Your Lucky Day ang isang larawan sa kanilang cellphone na nagbibigay ng saya o ng swerte sa kanila.

Sa unang bahagi ng nasabing programa, ibinahagi ni Luis ang Question of the Day para sa Lucky Stars na sina Robi Domingo, Jennica Garcia, Seth Fedelin, Petite, Divine Tetay, at Bianca Umali.

Tanong ni Luis, “Ano 'yung isang picture sa phone n'yo na talagang nagpapa-happy o hindi kaya nagbibigay ng suwerte sa inyo?”

Para sa Pambansang Host, ang larawan na kanyang ipakikita ay nagpapagaan sa araw niya.

“Ako naman. Hindi araw-araw is a good day. Kahit gusto natin isipin na araw-araw kailangan masaya, araw-araw kailangan happy-happy lang. Hindi, mayroon at mayroong darating araw na may pagdaraanan ka, may lungkot. So sa akin, ito 'yung picture na nagpapagaan sa araw ko,” ani Luis.

Wika naman ni Robi, “Sigurado ako, si Peanut 'to.”

Matapos ito, pabirong ipinakita ni Luis ang throwback photo ni Melai Cantiveros sa kanyang cellphone.

Fun family moments of Melai Cantiveros and Jason Francisco with kids Mela and Stela that will brighten your day

Biro pa ng television host, “Ang sa akin kasi, kahit ano man pagdaraanan ko sa buhay, kapag tinignan ko 'to, 'Ay, I'm blessed.'”

Subaybayan ang It's Your Lucky Day, 12 noon, sa GTV, A2Z, at Kapamilya Channel.

Panoorin ang iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox!

Para naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!

Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.