GMA Logo Luis Manzano in My Mother, My Story
What's on TV

Luis Manzano sa mga pagsubok sa buhay: 'Everything leads you to where you are right now'

By Kristine Kang
Published May 13, 2024 2:25 PM PHT

Around GMA

Around GMA

St. Luke's inhaler clinic opens to improve asthma, COPD patient care
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Luis Manzano in My Mother, My Story


Alamin ang kuwento ni Luis Manzano tungkol sa mga pagsubok niya sa buhay, rito:

Tampok sa unang episode ng TV special na My Mother, My Story ang nakaka-inspire na kuwento ng Filipino actor na si Luis Manzano o mas kilala bilang si Lucky.

Sa kanyang panayam kasama ang King of Talk na si Boy Abunda, maraming ibinahagi si Luis tungkol sa kanyang buhay. Nagkuwento siya ng mga naging karanasan niya mula sa kaniyang paglaki sa pangangalaga ng kanyang ina na si Vilma Santos, hanggang sa kaniyang pagiging isang ama.

Isa sa mga ibinahagi ni Luis ay ang mga dinaanan niyang pagsubok sa buhay at kung paano niya hinarap ang mga ito.

Inamin ni Luis, "I made some bad choices naman sa buhay ko, financially, trusted the wrong people din. Same sa nangyari kay mommy."

Pero kahit ganoon pa man, tanggap ng aktor ang lahat ng ito dahil para sa kanya, lahat ng pinagdaanan niya sa buhay ay parte ng humubog sa kanya sa kasalukuyan.

"I said this in interviews, medyo showbiz pakinggan but it's true. Siguro kung hindi nangyari mga nangyari dati, we wouldn't be having this conversation. Everything ang mangyari sa buhay mo, good, bad, iyak, tawa, leads you to where you are right now. 'Pag may binago ka doon, chances are you aren't where you are. So I'm okay, I have Peanut with me. So I think all the experiences led me to that moment with my family, us having this conversation, and right after siguro calling my mom and dad to say 'I love you,'" sabi ni Luis.

Kuwento rin ng aktor, nagkaroon siya ng realization sa buhay noong ipinanganak ang kanyang unica hija na si Peanut.

Nang hinawakan niya kasi ang kanyang baby, tila raw bumagal ang oras habang maraming alaala ang biglang nag-flash sa kanyang isipan.

"Then you realized everything. You realized what your parents did for you. You realized your past decisions both good and bad, how everything led to that point na hawak mo na yung anak mo and you wanted to give her the world and more," pahayag ni Luis.

Nang tanungin din siya ni Boy Abunda, " Sino ka dahil sa iyong ina?" Ang sagot ni Luis ay, "Para sa akin dahil sa ina ko, I became the best version of myself."

Subaybayan ang limited talk series na My Mother, My Story, tuwing second Sunday ng buwan, 3:15 p.m. sa GMA.