
Maraming firsts para kina Kapuso actors Luke Conde at Dave Bornea sa upcoming fresh at brand new episode real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman ngayong Sabado.
First time kasing gumanap ni Luke sa isang #MPK episode habang first time ni Dave na magiging bida dito.
Bibigyang-buhay ni Dave ang binatang si Dave na magtatrabaho sa isang junkshop para suportahan ang kanyang mga kapatid. Si Luke naman ay si Jayson, anak ng may-ari ng junkshop at ang mag-i-introduce kay Dave sa mundo ng pagsasayaw kapalit ng pera sa TikTok.
"Depende kung saang perspective mo kasi titignan. Ako ba ay tumulong or ako ba ay nagbigay ng way para mapariwara 'yung buhay noong character ni Dave dito sa story? That is something na kailangan niyong i-look forward doon sa story namin," pahayag ni Luke tungkol sa kanyang karakter sa Kapuso Brigade Zoomustahan na ginanap noong October 1.
Kaabang-abang din daw ang collaboration nila ni Dave bilang mga TikToker sa episode.
"May mga eksena rin na sayaw-sayaw, tulungan lang din kami ni Luke since si Luke sumasayaw. 'Yung mga eksena like mga daring scenes 'yun talaga 'yung aabangan niyo po kasi marami kaming inputs and napag-usapan ni Luke kung anong dapat naming gawin," pahayag naman ni Dave.
"We had the talk ni Dave na pili tayo ng specific material na talagang nag-e-exist or nag-exist during the time na nangyari doon sa totong buhay sa characer ni Dave para mas maging tama doon sa sitwasyon. Pumili kami, may ganoong kaming talks in preparation for the scenes," dagdag naman ni Luke.
Abangan ang collaboration sa pagitan nina Luke at Dave sa brand new episode na pinamagatang "Pa-mine: Online Body Selling," ngayong Sabado, October 2, 8:15 pm sa #MPK.
Silipin ang ilang eksena mula sa episode sa gallery na ito: