What's on TV

Luke Conde, nais maging leading lady si Rhian Ramos

By Dianne Mariano
Published July 14, 2021 11:09 AM PHT
Updated July 14, 2021 5:19 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Ashley Sarmiento, Rave Victoria explore South Korea
Fire displaces 48 families in CDO on Good Friday
How the latest smartphones are embracing the beauty of the unfiltered journey

Article Inside Page


Showbiz News

luke conde and rhian ramos


Alamin kung bakit nais ni Kapuso heartthrob Luke Conde maging leading lady si Rhian Ramos.

Ayon kay Kapuso heartthrob Luke Conde, nais niya maging leading lady si Rhian Ramos sa isang proyekto.

Sa July 13 episode ng Hangout, tinanong ang aktor kung sino ang kanyang dream Kapuso leading lady.

Photo Courtesy: GMA Artist Center (YouTube)

“Si Rhian kasi ever since noong nag-start siya, siya yung pinapanood ko na actress talaga sa Kapuso Network,” ani Luke.

Dagdag pa niya, “Nakita ko rin yung versatility niya as an actress tapos yung mga roles na ginagampanan niya pwedeng comedy, pwedeng action, pwedeng drama.”

Maganda din ang karanasan ni Luke bilang isang Kapuso at inaasahan na makakatrabaho pa niya ang iba pang mga Kapuso artists.

“So far, so very good kasi naka-experience na ako na mag-work together with Kapuso artists and, of course, Kapuso staff, mga crew, and sobrang accommodating at welcoming ng mga Kapuso natin,” sagot ng aktor.

Ngayong nasa GMA Network na si Luke, isa raw sa kanyang nararamdaman ay ang excitement sa mga darating na proyekto at trabaho sa kanya.

Aniya, “I am really blessed doon sa mga binibigay nilang work sa akin.”

Isa din sa mga hindi malilimutan na karanasan at pinapahalagahan ni Luke ay ang pagmamahal at pagpapakita ng suporta ng kanyang mga fans.

“Yung pagbibigay ng pagmamahal ng mga supporters kasi parang hindi mo yun hinihingi sa kanila pero nandyan sila whenever na kailangan mo ng support and yung pagmamahal na binibigay nila is unconditional.”

Mayroon din mensahe si Luke para sa kanyang mga tagahanga na patuloy ang pagbibigay ng pagmamahal at suporta.

“First of all, thank you so much sa unending love and support na binibigay ninyo sa akin and sometimes I really feel na I really don't deserve it pero you are always still there na nagbibigay ng suporta at pagmamahal,” ani Luke.

Dagdag ng aktor, “I will try my very very best na mapangiti kayo sa lahat ng mga projects [at] sa lahat ng work na ibibigay sa akin, and I am looking forward na you will always be there until the end.”

Kabilang si Luke Conde sa drama series na Stories from the Heart: Never Say Goodbye na kaabang-abang sa Kapuso Network.

Panoorin ang buong episode ng Hangout at alamin kung ano pa ang mga karanasan ni Luke Conde bilang isang Kapuso.

Samantala, tingnan muli ang mga maiinit na larawan ni bagong Kapuso heartthrob Luke Conde sa gallery na ito: