
Marami ang humahanga sa dedikasyon ni Kapuso actor Luke Conde na mapanatili ang magandang pangangatawan.
Sa Aug. 17 interview ng GMANetwork.com, inamin ni Luke na talagang pinaghihirapan niya ang kanyang fit at sexy body kahit na isa siyang ectomorph.
Likas sa isang ectomorph ang magkaroon ng payat na pangangatawan, nahihirapang magdagdag ng timbang at may mabilis na metabolismo.
Ayon kay Luke, malaking advantage para sa kanya na mayroong mabilis na metabolismo lalo na at kilala siya sa pagiging isang hunk actor. Pero mahirap naman para sa kanya ang magdagdag ng timbang kahit na gustuhin pa niya.
"Ectomorph kasi ako. I'm on the skinny side. Mabilis talaga ako mag-burn ng calories so isa 'yun sa tingin ko na may kaunting advantage sa akin. Ang problema ko naman is 'yung gaining," pagbabahagi ni Luke.
"So I'm blessed na I can eat a lot and I can burn the extra calories na kailangan kong i-burn," dagdag pa nito.
Kahit na madalas ang pagsasara ng mga gym at fitness studio ngayong pandemya, hindi ito ginagawang dahilan ni Luke para ipagpaliban ang pagwo-work out. Karaniwang weightlifting daw ang ginagawa niya habang nasa bahay lang siya.
"Ngayong pandemic, minsan pinipili ko na lang na mag-work out sa bahay. More on body weights 'yung workout na ginagawa ko," ayon pa sa aktor.
Samantala, ibinahagi rin ni Luke ang ilan sa mga kinahihiligan niya. Bukod sa pagiging isang aktor, singer at K-pop fan, kapansin-pansin din ang pagkahilig ni Luke sa visual arts na makikita sa kanyang Instagram.
"I'm into visual arts din. Nagda-drawing din ako, nagpe-painting so I think that's one side din of arts na pinu-pursue ko o ginagawa ko," pagtatapos nito.
Tignan sa gallery na ito ang hottest photos ng bagong Kapuso hunk na si Luke Conde: