What's Hot

Luna Blanca… Ang Pinagmulan

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated October 9, 2020 8:33 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal lost with jet carrying Libyan army chief over Ankara, Turkey says
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News



Hindi nabigo ang Luna Blanca na maghatid ng saya at inspirasyon sa unang linggo nito!
 
Itinuturing na first multigenerational drama ng GMA Network, iikot ito sa makulay na mundo  ng kambal na magkapatid na sina Luna at Blanca na  paghihiwalayin ng tadhana.

Hindi nabigo ang Luna Blanca na maghatid ng saya at inspirasyon sa unang linggo nito!
 
Itinuturing na first multigenerational drama ng GMA Network, iikot ito sa makulay na mundo  ng kambal na magkapatid na sina Luna at Blanca na  paghihiwalayin ng tadhana.
 
The story starts with  Rowena ( Camille Pratts) na  itinuturing na last descendant ni  Luna, na mayroong kakambal na anino na si Celestina.
 
Lumaki si Rowena sa pangangalaga ng kanyang Lolo Igme (Dante Rivero), ngunit wala itong ideya sa kanyang pinagmulan.
 
Rowena meets Luis ( Raymart Santiago), isang mayaman at mabait na binata. Bagamat  magkaibang-magkaiba ang kanilang pamumuhay ay hindi ito naging hadlang sa kanilang pagmamahalan na kalauna’y nagbunga.  
 
Sinabi ni Rowena sa kanyang lolo ang plano nitong magpakalayo-layo kasama ng nobyo dahil sa magkakapamilya na ito.
 
Nang malaman ni Lolo Igme ang sitwasyon ni Rowena’y agad itong nangamba sa mga engkanto, na maaring manggulo sa kanyang apo lalo na’t nagdadalang tao ito.
 
Nagmatigas si Rowena at hindi ito sumunod sa kanyang  lolo, at sa halip ay sumama ito kay Luis sa probinsya.
 
Dinala ni Luis si Rowena sa kanyang mala-palasyong bahay, at hindi naging maganda ang pagtanggap ng kanyang ina na si Donya Consuelo (Marissa Delgado). Kahit magkaganoo’y tumira pa rin si Rowena sa bahay ni Luis, at di nito inaasahan na  maraming kababalaghan ang sasalubong sa kanya. 
 
Isang araw, isang boses ang gumising kay Rowena at nag-anyaya sa kanya na pumunta ng kakahuyan. Nang matauhan ay nagulat ito na isang engkanto ang kanyang makakaharap, kaya’t dahil sa takot siya'y nahimatay.
 
Nang mahimasmasan nagbalik sa ala-ala nito ang mga pangyayari at inamin  nito kay Luis na siya’y ginahasa ng  isang engkanto. Dahil dito’y galit na sinugod ni Luis ang kakahuyan upang hanapin ito.
 
Simula noo’y hindi na nakita si Luis, kaya’t sinisi ni Donya Consuelo ang kawawang si Rowena at tuluyang pinalayas mula sa mansyon.
 
Matapos ang malungkot na pangyayari bumalik si Rowena sa Maynila upang muling magsimula, ngunit namumutawi pa rin sa kanya ang takot.
 
On the day of her delivery, Rowena gives birth to twin girls. Ngunit nagulat ang mga ito dahil magkaibang -magkaiba ang dalawang sanggol dahil ang isa’y ubod ng puti ( Blanca) samantalang ang isa nama’y kasing itim ng uling (Luna) .
 
Paniwala ni Rowena ang maitim na si Luna ay ang anak ng engkanto, kaya’t si Blanca lamang ang kanyang iniintindi at inaalagaan.
 
Darating  kaya ang panahon na mamahalin at tatanggapin ni Rowena si Luna bilang kanyang anak?
 
Subaybayan ang  spellbinding saga ng Luna Blanca from Monday to Friday after 24 Oras, sa Primetime Telebabad.